6

1207 Words
"Wow! Iba na ang friend ko! May work na! Congratulations! Makakabili na iyan ng bagong panty!" wika ni Duleen nang puntahan niya si Laureen. "Ewan ko sa iyo! Eh ikaw ba, ano ang work mo now?" Naupo sa monoblock doon si Duleen. "Ito tindera sa karinderya ni aling Nena. Mabuti na nga lang, hanggang ala sais na kami. Eh 'di ba dati hambog alas otso. Binawasan na ni aling Nena ang mga niluluto niya. Tumatanda na rin kasi. Ewan ko ba doon! Wala namang anak na binubuhay pero todo pa rin ang kayod!" "Ganoon talaga. Naging libangan na niya iyan eh. Nakilala siya sa masarap niyang luto. At saka makatarungan ang lasa at presyo ng mga ulam niya. Hindi kagaya sa iba na mahal na nga, hindi pa masarap!" Pinahaba ni Duleen ang kaniyang labi. "Eh kumusta na pala iyong sinasabi mong guwapong lalaki na mayabang at masama ugali? Nagpunta ba ulit dito? Ano naman ang dinala niya para sa iyo? Grocery ba ulit?" Tumatawang umiling si Laureen. "Hindi na pumunta. At saka nandidiri iyon sa lugar na ito. Nakita mo naman iyang tubig sa baba, ang dumi-dumi. Puro basura na. Pero nagkita kami kahapon dahil iyong amo ko, si ate Melissa, kapatid ang turing niya doon kay Lazarus." Nanlaki ang mga mata ni Duleen bago tinakpan ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang kamay. "Oh my gosh! Isa lang ang ibig sabihin nito! Kayo ang itinadhana para sa isa't isa! Gumagawa ng way ang tadhana para magtagpong muli ang landas niya!" Hinampas-hampas siya ni Duleen habang kinikilig. Siya naman ay napairap at saka binatukan ang kanyang kaibigan. "Huwag ka ngang tanga diyan. Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isipan mo. Kababasa mo iyan ng mga romance book eh! Hindi mangyayari iyon! Malayo ang reyalidad na ito sa binabasa mong libro! Huwag ka ngang masyadong mangarap! Walang bilyonaryong mahuhulog sa babaeng mahirap tapos ikakasal at magiging happy ang ending! Tangina naman, Duleen! Umabot ka sa edad na dise nuebe, ganiyan pa rin ang ini-imagine mo?!" nakabusangot ang mukhang sambit ni Laureen. Umirap naman ang kaniyang kaibigan bago ngumuso. "Okay fine! Dito na lang talaga ako sa libro ko mangangarap na mayroong lalaking mayaman na dadating sa buhay ko at magiging asawa ko! Ay shít talaga! Kilig talaga ang tinggil ko no'n! Malaking guwapo na mayroong malaking tití!" Muling hinampas ni Laureen ang kaniyang kaibigan. "Ikaw, gustong-gusto mo talaga ng lalaking malaking títi ha! Kapag nawasak iyang puday mo, ewan ko na lang talaga sa iyo. Baka hindi ka makalakad niyan at isang linggo kang nakaratay." "Sobra ka naman! Panay naman ang kontra mo sa pangarap ko!" asik sa kaniya. Umirap si Laureen sabay taas ng kilay. "Alam mo ang mabuti pa doon ka na lang sa bahay ninyo at magbasa nang magbasa hanggang sa tumirik ang mga mata mo. Maglilinis pa ako ng bulok kong bahay bago matulog. May pasok pa ako mamaya kaya huwag mo na akong gambalain pa. Alis! Shoo! Shoo!" pagtataboy niya sa kaibigan. Umirap na lamang sa hangin si Duleen at saka umalis na. Habang si Laureen naman ay mabilisang naglinis ng kaniyang munting tirahan. At nang matapos siya, agad siyang nahiga sa kama at saka natulog na. PAGSAPIT NG ALA SAIS NG GABI, nagising na si Laureen. Naghapunan muna siya bago nag-asikaso ng kaniyang sarili. Kapag aalis siya, lagi siyang nakasuot ng mahabang pambaba. Laging nakabalot ang makinis at maputi niyang hita dahil naiirita siya sa mga manyak. "Hello, ate magandang gabi," wika niya nang makarating siya sa bar na kanyang pinapasukan. "Magandang gabi rin sa iyo! Ang pinakamaganda kong waitress na talaga namang palaban!" nakangiting wika ni Melissa. Natatawang umiling si Laureen. "Hay naku, ate huwag ka ng maingay diyan dahil ayokong ipagkalat pa ang kagandahan ko dahil alam na nila iyon." Malakas na tumawa si Melissa bago nakipag-apir kay Laureen. "Siya nga pala, aalis ako ngayong gabi." "Saan ka po pupunta?" "Makikipag-date! Syempre, hindi ko naman pinangarap na maging single mom na lang forever. Naniniwala ako na makakatagpo pa rin ako ng lalaking magmamahal sa akin." Tumango - tango si Laureen bago ngumisi. "Makikipag-date ka nga bang talaga, ate o baka naman may kasamang bira iyan? Naku, ate huwag mo munang sundan ang anak mo! Maigi na muna ang isa!" Humalakhak si Melissa. "Shhh! Huwag ka ng maingay diyan! Tatlong buwan na ring hindi napapasukan ng tití itong puday ko kaya baka sinasapot na. Iba pa rin kapag may dilig. Huwag kang mag-alala, kahit birahin niya pa ako ng maraming beses o tamuran ng pagkarami-rami, hindi ako mabubuntis. Safe 'to!" "Sige lang, ate enjoy! Ako na po ang bahala dito!" "Salamat, Laureen. Baka dumaan dito si bunso, ha? Huwag mo na lang pansinin. May pagka-abnormal din kasi iyon. Kinulang yata sa bakuna noong bata. Masungit at mabilis mag-init ang ulo. Buti sana kung ulo sa baba ang palaging nag-iinit eh." Natawa ng malakas si Laureen. "Sige po, ate. Deadma ko na lang siya." Pagkaalis ni Melissa, si Laureen na ang nag-uutos sa iba pang waitress doon pati na waiter. Dahil sa kanya na rin ipinagkatiwala muna ngayong gabi ni Melissa ang kaniyang bar. Akala ni Laureen, hindi na dadaan pa doon si Lazarus dahil ala una na rin ng madaling araw. Ngunit dumating ang binata na mayroong nakabusangot na mukha. Natawa na lamang siya sa itsura ni Lazarus. Para kasing pasan ng binata ang mundo base sa ekspresyon ng kaniyang mukha. Tikom ang bibig at magkasalubong ang makakapal na kilay na para bang galit sa mundo o may dinadalang problema. "Tanginang mukha iyan saan ba gawa iyan," mahinang sambit ni Laureen ngunit narinig ng binata.. "What the f**k are you talking about, ha? Akala mo ba maganda ka? Hindi ka maganda. Feeling maganda ka lang," gigil niyang sabi. Tinawanan siya ni Laureen. "Pakialam mo kung feeling maganda ako? Wala kang pakialam. Sa iyo nga wala akong pakialam eh. Panira ka lang ng gabi. Pupunta ka lang dito para manggago? Kung malungkot ang mundo mo, huwag mong dalhin dito. Umay sa iyo." Nilayasan ni Laureen ang binata. Pumasok siya sa maliit na kusina doon upang tiningnan ang niluluto niyang fries. Nang maluto na ito, nilagyan na niya ito ng barbeque flavor bago ibinigay sa customer doon. "Miss, available ang nachos niyo now?" wika ng lalaki. "Yes po, sir." "Okay sige pa-order na rin ako. Salamat." Mabilis ang lakad ni Laureen pabalik sa kusina doon. Humanap siya ng kamatis, repolyo at pipino para sa gagawin niyang cheesy nachos. Laking gulat niya nang pumasok doon si Lazarus at saka pinagmasdan ang ginagawa niya. "Tanginang iyan ano ka? Audience? Umalis ka nga dito! Naiilang akong kumilos eh!" reklamo niya sa binata. Walang emosyong tumingin sa kaniya si Lazarus. "Sino kang pangit ka para utusan akong umalis dito? Nagbilin sa akin si ate na tingnan ang ginagawa mo dahil baka magkamali ka. Lalo na't bago ka lang. Baka inisiip mo na binabantayan kita. Tanga! Iyong ginagawa mo ang binabantayan ko. Iyang trabaho mo. Hindi ikaw mismo dahil nauumay lang ako sa pagmumukha mo." Nalaglag ang panga ni Laureen sa inis at napairap na lamang. Humigpit ang hawak niya sa kutsilyo habang hinihiwa ng maliliit ang kamatis. Sa isip niya, pinagsasaksak niya sa mukha ang binatang si Lazarus at saka niya sinunod hiwain ang tití nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD