Chapter 4

2084 Words
CONSTANTINA'S POINT OF VIEW "Grabe, ikaw na ba iyan Tin? Mas lalo kang gumanda ah," sabi sa akin ni Aling Nena. "Salamat po," nakangiting sabi ko. "Maraming salamat pala sa perang dinagdag mo dahil doon napagamot ko ang anak ko ng bigla siyang nagkasakit," sabi niya. "Wala po iyon kulang pa po iyon sa tulong na ginawa niyo sa amin noon, kahit hindi namin kayo kadugo nandiyan pa rin kayo para tumulong sa amin," sabi ko. "Wala iyon, magkalapit lang tayo kaya sino pa bang magtutulungan kundi tayo tayo lang din," sabi niya. "Pero hindi niyo naman po responsibilidadn na tulungan kami dati pero nandiyan kayo kapag kailangan namin ng tulong kaya maraming maraming salamat po," sabi ko. "Wala iyon iha," sabi niya. "Kumusta pala ang pag aaral mo sa ibang bansa?" "Ayos naman po, summa c*m laude po ako," sagot ko. "Wow! Ang tatalino naman ng mga anak mo Margaret," sabi niya kay Mama. "Oo nga eh, sa awa ng Diyos lumaki silang matatalino. Malas man ako pero swerte naman ako sa mga anak ko," sabi niya. "Oo nga, anak na lang natin talaga nag pag asa natin," sabi niya.  "Oo nga eh," sang ayon ni Mama. "KUMUSTA ang buhay mo sa France, anak?" tanong ni Papa kauuwi lang nila galing trabaho. "Ayos lang po Papa," sagot ko. "Mabuti na lang umuwi ka na, miss na miss ka na namin," sabi ni Kuya. "Miss ko rin kayo," sabi ko.  "Mas maganda ka pala sa personal anak," sabi ni Papa.  Lagi ko kasi silang ka video call noon, swempre kailangan ko rin makipag communicate sa kanila hindi ko naman kaya na hindi sila makausap ng apat na taon. "Salamat po Papa," sagot ko. "Oo nga pala, may mga pasalubong ako, pasensya na kung konti lang." Hindi ko muna ibibigay ang mga binili ko sa para sa kanila. Sa mismong anniversary na lang nina Mama, malapit na rin naman iyon. "Ayos lang naman din kung wala," sabi ni Papa. Nginitian ko na lang si Papa. "Wait lang po kukunin ko lang po ang maleta ko," sabi ko tsaka tumayo at pumunta sa kwarto. Nang makuha ko ang maleta ko bumalik ako kina Papa, agad ko namang binuksan iyon. Chocolate na lang ang laman nun dahil nalagay ko na sa cabinet ang mga damit ko. "Mama, Papa heto po ang mga chocolate." "Salamat anak," sabi ni Mama. "Magbubukas na ako ng isa ah para mabigyan ko na si Paula kapag hindi ko pa binigyan iyon manggugulo iyon dito." "Sige po Ma," sabi ko. Paglabas ni Mama para ibigay ang chocolate biglang may umiyak, dali dali naman na pumasok si Papa sa kwarto nila pagkatapos mayamaya lumabas siya kasama ang triplets, nakabuhat yung isa habang ang dalawa ay naglalakad habang nakawak sa short ni Papa. Napangiti naman ako ng makita sila, nakita ko naman sila kapag video call pero iba pa rin kapag personal ko na silang nakita. "Nakikilala niyo ba siya?" sabi ni Papa sa kanila habang tinuturo ako. Tumingin naman sila sa akin at mukhang nakikilala nila ako. "Tin," sabay na sabi nila. Tin pa ang tawag nila sa akin dahil iyon lagi ang naririnig nilang tawag nina Papa sa akin pero sinasanay na sila na tawagin akong Ate ganun din kaya Kuya. "Hello babies," sabi ko tsaka lumapit sa kanila, lumuhod naman ako para makapantay sila. "Ang ga-gwapo naman ng  triplets." Tsaka sila pinanggigilan. Nakalimutan kong sabihin na lahat sila lalaki, so it means ako lang ang babae pero kung buhay pa sana si bunso dalawa sana kaming babae.  "Gustong gusto kang makilala ng personal ng mga kapatid mo, ikaw nga lagi ang bukang bibig nila," sabi ni Papa. "Oo nga, ako naman laging kasama nila pero ikaw ang hinahanap," reklamo ni Kuya na kinatawa ko. "Malamang Kuya hindi ka na nila hahanapin dahil nasa tabi ka na nila," sagot ko. "Oo nga naman," sang ayon ni Papa. "Oh ang saya niyo yata," sabi ni Mama pagbalik niya. "Inaasar lang po namin si Kuya," sagot ko tsaka tumayo. Magsasalita sana ulit ako ng biglang may pumasok sa bahay namin. "Sinabi ng mga kapit bahay dumating ka na raw Tin," sabi ng taong kinamumuhian ko. Ang nanay ni Papa. "Bakit hindi man lang kayo pumunta doon para bigyan man lang kami ng chocolate." "Ma, konti lang ang dala ni Tin," mahinahong sagot ni Papa. "Konti lang o sadyang pinagdadamot niyo lang?" mataray na sabi niya tapos napatingin sa mga chocolate. "Oh, ang dami naman pala nito ah." Lumapit siya doon at kumuha ng isang balot ng kisses at tatlong toblerone. "Ang dami naman pala pinagdadamot niyo pa. Ang sasama talaga ng mga ugali niyo." sabi niya tsaka lumabas. Napabuntong hininga na lang ako para pigilan ang galit ko. Kung hindi lang ako pinalaki ni Mama na rumispeto sa matatanda baka kanina ko pa siya nasagot. "Hindi pa rin talaga isya nagbabago," sabi ko. "Hayaan mo na anak," sabi ni Mama. "Kaya kayo na aabuso Ma dahil hinahayaan niyo na lang," sabi ko. "Chocolate lang naman iyon anak, may natira pa naman ayos na samin ito," sabi niya. "Ano pa nga ba? Itago niyo na iyan May baka may kumuha na naman niyan," sabi ko. "Mabuti pa nga," sabi niya tsaka pinasok ang maleta sa kwarto nila. "HETO NA BA ang inaanak ko?" tanong ko kay Yula. Kaibigan ko since elementary kami. Bago ako umalis ng pilipinas sinabi niya sa akin na buntis siya. Nag bunga ang isang beses na pakikipagtalik niya sa boyfriend niya na live in partner na niya ngayon. "Oo ito na nga," sagot niya. "Tan Tan mag bless ka sa ninang mo." Nahihiyang sinunod naman niya ang mama niya. "Ang cute mo naman," sabi ko. Ang taba taba niya halatang naaalagaan. Mabuti na lang mabait ang live in partner niya hindi ito gaya ng iba na tambay lang kahit maliit ang sahod nito nakakaraos naman sila. Mabuti rin na hindi muna nila sinundan si Ethan, buong pangalan ng anak ni Yula, baka mas lalo lang silang nahirapan. "Heto o pambawi sa apat na taong wala akong aginaldo sayo," sabi ko tsaka inabot sa kanya ang isang libo. "Hala, ang laki naman niya," sabi ni Yula. "Ayos lang 'yan apat na taon akong walang aginaldo sa kanya," sabi ko sa kanila. "Kahit na," sabi niya. "Pero salamat pambili na rin ng gatas niya. Mag pasalamat ka sa ninang mo." Bulol naman na nagpasalamat sa akin si Ethan. "Nasabi mo na rin naman ang pambili ng gatas ng inaanak ko, may ibibigay ako wait ka lang diyan," sabi ko tsaka agad napunta sa bahay. Pumasok ako sa kwarto tsaka kinuha ang ibibigay ko sa kanya tsaka agad bumalik sa kanya. "Ang bilis mong umalis, hindi mo man lang ako hinintay na magsalita," reklamo niya pagbalik ko. Natawa naman ako. "Alam ko kasi na mag rereklamo ka lang," sabi ko. "Kahit apat na taon ka sa ibang bansa kilala mo pa rin ako," sabi niya. "Of course best friend tayo diba?" sabi ko. "Ano ba ang ibibigay mo?" tanong niya. Lumingon lingon muna ako para makasigurong walang nakikinig sa amin. "Here pambili nga gatas ng anak mo, sampong libo," sabi ko tsaka pasikretong inabot sa kamay niya ang pera. Nanlaki naman ang mata niya sa nakita. "Tin..."  "'Wag ka ng mag reklamo tanggapin mo para rin iyan sa inaanak ko," mahinang sabi ko. "Pero malaki ito," sabi niya. "Tanggapin mo na lang kasi 'wag ng mag reklamo," sabi ko sa kanya. Ganyan siya kahit noon kahit sobrang hirap na hirap siya hindi siya tatanggap ng tulong hangga't alam niya na kaya niya pa.  Napabuntong hinga naman siya. "Sige na kakapalan ko na ang mukha ko. Salamat dito malaking tulong sa amin ito," sabi niya. "Ikaw pa, malakas ka sa akin," sabi ko. Isa rin si Yula sa mga taong masasandalan ko kahit wala rin sila gagawa siya ng paraan para matulungan lang ako. Kaya sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya at sa mga taong kaya kaming tulungan. Ngayon ibabalik ko sa kanila ang tulong na ibinigay nila sa akin. "Aba, totoo nga na bumalik ka na," Napatingin kami ni Yula sa nagsalita. Si Tita Lea panganay na kapatid ni Papa. "Wala ka man lang ibinigay sa amin." Mag nanay nga sila ng nanay niya. "Hindi naman po ako nagtrabaho sa ibang bansa, nag aral lang po ako doon," mahinahong sagot ko. "Aba kahit na nasa ibang bansa ka na rin dapat bumili ka na rin ng pasalubong," sagot niya. Gusto kong umirap. "Paano nga po ako makakabili kung wala naman po akong pera pambili," sagot ko. "Sabi ng nanay mo nag part time ka, kaya dapat may pambili ka," sagot niya. Gusto kong mapangiwi, hindi ko alam kung anong pinaglalaban niya. Napabuntong hininga naman ako. "Sa pagkakatanda ko nag part time job ako doon dahil sa mga magulang ko hindi para sa kapatid ng Papa ko kaya hindi rin kayo kailangan ibili ng kahit ano," mahinahong sagot ko. "Aba, malamang galing ka sa ibang bansa dapat may ibibigay ka," sabi niya. "Bakit kayo po ba kapag dumadating ang asawa niyo galing ibang bansa binibigyan niyo rin ba kami?" tanong ko sa kanya. "Bakit responsibilidad ba namin na bigyan kayo," mataray na sagot niya. "Exactly, wala kayong responsibilidad sa amin kaya wala rin akong responsibilidad sa inyo," sagot ko tsaka ko siya nginitian. Hindi naman siya nakapagsalita sa sinabi ko pagkatapos naiinis na umalis siya sa harapan ko. "Grabe talaga 'yang Tita mo, apat na taon ka ng wala sa pilipinas pero ni minsan hindi pa rin nagbabago," sabi ni Yula. "Oo nga eh," sagot ko. "Minsan iniisip ko kung totoong kapatid ba nila si Papa dahil sobrang layo ng ugali ni Papa sa kanila." "Oo nga, ang bait bait ng Papa mo pero sila napakademonyo," Binulong lang niya ang huli. Napangiti na lang ako sa sinabi niya. "Tara pumunta tayo ng grocery para mapamili natin ng mga kailangan ni Ethan," sabi ko. "Sige paubos na rin ang gatas at diaper niya," sabi niya. ~ "AKO NA ang bahalang magbayad dito," sabi ko kay Yula ng matapos kaming mag grocery. "Pero Tin malaki na ang pinigay mong pera sa amin tapos ikaw pa ang gagastos nito?" sabi niya. "Itago mo na iyan, for emergecy," sabi ko. "Tin ayokong abusuhin ka kaya ako na ang mag babayad," sabi niya kita kong stress na stress na siya sa akin. "Hindi mo ako inaabuso dahil ako naman ang may gusto," sabi ko. "Ang kulit mo naman Tin eh, hindi ka naman ganyan dati. Ang tipid tipid mo dati tapos ngayon kung gumastos ka parang wala lang," sabi niya, napangiti naman ako sa sinabi niya. "Kanina ko pa ito dapat itatanong pero dumating ang Tita mo, akala ko ba wala kang pera?" "Secret muna, malalaman mo rin kapag nasabi ko kina Mama," sabi ko sa kanya habang nilalagay ang mga pinamili namin sa counter ng cashier kami na kasi ang susunod. Tumango naman siya. "Pero hindi na rin ako magtataka kung magkaroon ka ng maraming pera, ma diskarte kang tao eh lahat gagawin mo para lang kumita." Kilala niya talaga ako, nung hindi pa ako napupunta sa France kung ano anong raket ang kinagawa ko para lang kumita at dahil doon nagbunga lahat ng pagsisikap ko dati. "8,465 po," sabi ng cashier. Kinuha ko naman ang wallet ko tsaka kinuha ang credit card ko tsaka binigay sa cashier. Gold card ang kinuha ko dahil kahit hindi nakapag tapos ng high school si Yula alam niya anong ibig sabihin ng iba't ibang kulay ng credit card. "Mukhang yayamanin ka na ah credit card ang gamit," sabi niya. "Hassle naman kasi kung cash ang laging dala ko," sagot ko habnag nilalagay ko ang pin ng credit card ko. "Oo nga naman mas maganda nga iyan kesa sa cash baka manakawan ka pa," sabi niya. Matapos makakuha ng pera ang cashier sa card ko binigay na niya sa akin ito. "Ang dami nating pinamili baka magtaka ang kapit bahay," sabi niya. "Hayaan mo sila, mag chismis sila kung anong gusto nilang chismisin," sagot ko. "Ibang iba ka na talaga kesa sa dati ah, dati tahi-tahimik ka lang pero ngayon iba na," sabi niya. Binitbit ko muna ang ibang mga pinamili namin bago ako nagsalita. "Kung hindi ako magbabago hindi ako uusad," sagot ko. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay magpapaapi na lang ako gaya ng gati. Kung dati, nananahimik lang ako dating wala akong laban pero ngayon magagawa ko ng lumaban patas man o hindi. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD