Chapter 2

1429 Words
Akhira Pov Nang makabalik ako sa kusina ay dumapo ang aking kamay sa noo kung saan siya nag-iwan ng halik. Hinaplos iyon ng darili ko pagkatapos ay para bang baliw na inamoy iyon. "Hallelujah! Ang bango ng hininga ng tandang iyon, huh?" humahangang saad ko at saka napatango. Hindi pa ako nakuntento sa isang amoy dahil paulit-ulit ko pang inamoy ang daliri ko hanggang sa naubos ang amoy niyon. Kapagkuwan ay tumikhim ako bago tumingin sa paligid. Mabuti na lang at walang tao doon dahil baka isipin nilang nababaliw na ako kung sakaling nakita nila ang kabaliwan ko. Nagiging manyak na naman ako ng wala sa oras. Pambihira talaga ang porn na iyon. Nagiging tigang na naman ako ng wala sa tamang oras at lugar. Napakagat ako ng pang ibabang labi at mariin na napapikit nang maglaro sa isipan ko ang nakakaakit na ngisi ng tandang iyon. Maging sa pag tawa pa lang niya ay ramdam ko na ang pamamasa ng pempem ko. "Hindi pwede ito. Hindi ako pweding maakit sa matandang iyon. Hindi ko siya dapat pagnasahan. Kailangan kong gumawa ng paraan para sumuko siya at umalis," bulong ko sa hangin at saka tumango-tango pa. Nakangiti akong pumunta sa aking kwarto. Lumalalim na ang gabi kaya kailangan ko nang magpahinga. Nang sa gano'n ay makakapag-isip ako ng mabuti bukas. Tipo ko pa naman ang mga matatanda sa akin kaya hindi dapat siya magtagal sa bahay na ito. Gusto ko sa mas matanda sa akin dahil eksperto na sila sa laro ng buhay at saka masarap daw sila magmahal. Pero hindi sa matandang mayabang na iyon na puno ng kumpyansa sa sarili. Ayaw ko sa kanya. Baka maubos pa ang buhok ko at maagang tatanda dahil sa subrang inis. Nayayabangan ako sa kanya kaya naiinis ako. "Hayst! Lumayas ka nga sa isip ko," inis na sigaw ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa malambot na kama at saka sinabunutan ang sariling buhok. "Ugh! Tanda, lubayan mo ako. Please lang, hayaan mo muna akong matulog," frustrated na aniya ko. Anong oras na ba? Hindi ko na mabilang kung ilang oras na akong pagulong-gulong sa kama dahil nananatiling gising ang diwa ko. Hindi ako pinapatulog ng ngisi ng matandang iyon. Hindi ko alam kung ginayuma ba niya ako at talagang kanina pa siya tumatakbo sa isipan ko. "Aahh...buisit!" Inis na sigaw ko. Pabagsak akong humiga sa kama pero nang pumikit ako ay mukha niyang nakangisi ang una kong nasilayan. "Antok na antok na ako. Hindi ka pa rin ba napapagod sa kakatakbo sa isipan ko?" halos wala ng tinig na bulong ko. Sinubukan kong dumapa at hinayaan ang hubad kong likuran na pagnasahan ng mga multong naninilip sa akin kung mayro'n man. Bahala silang mawalan ng paningin basta ako ay matutulog ng nakahubad. Hindi ko alam kung anong oras pero sigurado ako na mag-uumaga na ng makatulog ako. Nang tumunog ang alarm clock ay nakapikit kong kinapa iyon at saka inis na itinapon sa sahig. Lumikha iyon ng ingay pero wala akong pakialam. Inaantok pa ako kaya gusto ko pang matulog. Makakapaghintay ang paaralan pero ang antok ko ay hindi na. "Sino iyan?" Pasigaw na tanong ko nang makarinig ng pag katok mula sa pintuan. Ahay! Hindi ba pweding patulugin muna nila ako? Nandoon na ako, eh. Sarap na sarap na ng tulog pero muli lang ako magigising ng isang katok. Ayst! Istorbo. "Papasok na ako,"sagot ng barotinong boses. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino ang nagmamay-ari ng boses. Dali-dali akong napabangon nang sumunod na segundo ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto. "Kanina ka pa nila ginigising pero tulog mantika ka. Bumangon ka na at maligo kung ayaw mong ako mismo ang magpapaligo sa'yo," istriktong sabi ni Tanda. Umikot ang mga mata ko pero mariin lamang siyang nakatitig sa akin. "You have a beautiful star apple , by the way," nakangisi niyang dagdag dahilan para mas lumaki pa ang mga mata ko. Tuluyan na akong nagising sa puntong iyon. Aligaga kong hinila ang kumot at tinakpan ang lumantad kong dibdib. Tang*na! Paano ko nakalimutan na nakahubad ako? Nakita na niya ang babies ko. Walang hiya talaga! "Manyak!" galit na sigaw ko habang inaayos ang kumot sa katawan ko. "Ano bang ginagawa mo dito, huh? Ang alam ko ay personal bodyguard lang kita at hindi Yaya para puntahan ako dito at gisingin," galit pang dagdag ko. Sumeryoso ang mukha niya bago humakbang papalapit sa akin kaya napalunok ako. Nabuhay ang kaba sa dibdib ko nang makitang sarado ang pintuan ng kwarto ko. Kahit na sisigaw pa ako para humingi ng tulong ay walang makakarinig sa akin. "Wala ang mga magulang mo. Out of the country na naman sila at wala rin ang mga kakambal mo. Sa akin ka iniwan at pinagkatiwala. At kaya ako nandito dahil hindi ka nakikinig sa mga katulong," aniya pa. "Tulog ako kaya hindi ko narinig na may kumatok. At saka inaantok pa ako," tamad na sagot ko at humiga ulit. Tumalikod ako sa gawi niya at pumikit. Maaga pa naman kaya matutulog na lang ulit ako. Pero habang nakapikit ay nakikiramdam rin ako. Ayaw akong patulugin ng aking diwa sa isipin na may matandang manyakis sa paligid. Hinihintay ko siyang magsalita o gumalaw man lang. Pero lumipas na lang ang mahabang sandali ng paghihintay ko ay wala man lang nangyari. Nakakapagtataka ang pananahimik niya. Doon na ako bumangon para humarap sa kanya. "Anong tinatayo mo diyan?" nakataas ang kilay na tanong ko. "Five minutes,"tipid na sagot niya dahilan para mag-isang linya ang kilay ko. Ang sarap talagang kausap ng matandang ito. "Lumayas ka nga sa kwarto ko," naiinis na sagot ko. "Five minutes para gawin ang morning routine mo," istrikto niyang sabi. "Seryoso ka?" hindi makapaniwalang tanong ko at saka walang buhay na natawa. "What do you think, señorita?" pabalik niyang tanong. Umikot ang mga mata ko. Sabi na nga ba. Talagang sasakit ang ulo ko sa matandang ito. Pwede naman niya akong sagutin ng maayos, bakit ibabalik pa niya sa akin ang tanong ko. "At sino ka sa tingin mo para sundin ko?" Nakataas ang kilay na tanong ko. Ngumisi siya at saka humakbang papalapit sa akin. Habang papalapit siya ng papalapit ay mas humihigpit ang hawak ko sa kumot na nakatakip sa kahubaran ko. Ilang dangkal na lang ang pagitan ng aming mga mukha pero hindi pa rin ako nag-iwas ng tingin sa kabila ng kabang nararamdaman ko. "Huwag mong ubusin ang pasensiya ko. Baka magsisisi ka, baby girl," pabulong niyang sagot. Napalunok ako nang tumama sa bibig ko ang mainit at mabango niyang hininga. "B-akit? Ahm, anong gagawin mo kapag hindi kita sinunod?" tanong ko at bahagya pang nautal. Ngumisi siya bago mas inilapit pa ang mukha. Doon na ako umiwas ng tingin. Napasinghap na lang ako nang tumama ang mukha niya sa leeg ko. Pakiramdam ko ay tumayo ang lahat ng buhok ko sa katawan dahil sa mainit niyang halik doon. "Ang bango mo," bulong niya dahilan para matauhan ako. Itinulak ko siya palayo na ikinatawa lang nito. "Gag*! Manyak. Lumabas ka ng kwarto ko," nanggagalaiting sigaw ko. Pero sa halip na lumabas ay humalukipkip lang siyang nakaharap sa akin. "Tatayo ka diyan o gusto mong buhatin pa kita? Mamili ka," aniya gamit ang nagbabanta niyang tinig. Mariin niya akong tinitigan na sinalubong ko naman. Akala naman ng matandang ito ay matatakot niya ako? Tsk. "Gagalaw ako kung kailan ko gusto. Huwag mo akong utusan," sagot ko at inikutan siya ng mga mata. "So, ayaw mo pang gumalaw ngayon?" tanong niya kaya matapang akong tumango. "Talaga ba?" Dagdag pa nito at muli na naman akong tumango. Napangisi siya bago humakbang papalapit dahilan para mapalunok ako at kabahan. Habang papalapit siya ng papalapit ay mas lalong lumalakas ang kaba ko. "Fine. Tatayo na ako," kabadong sigaw ko nang ilang dangkal na lang ang layo niya sa akin. Tumaas ang kilay nito habang hinihintay akong gumalaw at bumaba sa kama. Kumukulo ang dugo kong umalis sa kama. Talagang maagang tatanda sa matandang ito. "Susunod rin naman pala, pinatagal pa," narinig kong bulong niya. Naniningkit ang mga mata kong liningon siya pero ngumisi lang ang walang hiyang matanda na ito. Ang bastos talaga niya. Hindi marunong gumalang sa kanyang amo. Kahit na matanda siya sa akin ay dapat pa rin na igalang niya ako. Ako ang amo, for God sake! Maghintay ka, may araw din na kusa kang aalis sa bahay na ito, tanda. Susuko ka rin sa trabaho mo. Akala ba niya ay mapapasunod niya ako sa lahat ng gusto niya? Lintik lang ang walang ganti, tanda. Maghintay ka lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD