ERINA NAKAUPO lang ako sa sofa ni Cianne habang nanonood kami ng movie. Umiinom lang ako ng beer at iniisip ang sinabi ni Atticus. Bakit ganon, bakit need niyang sabihin yung bagay na iyon. “Hoy, nakatulala ka jan, ano dinalaw mo lang ba ako dito para uminom ng beer? Parang hindi ka uminom kahapon ng alak ah,” sambit ni Cianne. Napahinga ako nang malalim sabay nilapag ang beer sa center table niya. “Nag-iba na si Atticus,” sambit ko sa kaniya. Napakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko. “Huh? Ano’ng nag-iba, paano’ng nag-iba?” tanong niya. Napahinga ako nang malalim sabay napatingin sa kaniya. “Sabi niya sa akin na bumalik na daw kami sa normal, like boss siya at secretary niya ako,” sambit ko sa kaniya. “Bakit mo naman iniisip yung bagay na iyon eh hindi ba boss at secreta

