ERINA NAPATINGIN lang ako kay Atticus dahil sa sinabi niya, hindi ko expected na sasabihin niya ang bagay na iyon. Parang sa limang taon na pagtatrabaho ko sa kaniya ngayon ko lang narinig na humingi siya ng sorry sa akin. Nakikita ko naman na seryoso siya sa sinasabi niya at walang halong pagbibiro ang mukha niya. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya sinasabi ang bagay na iyon sa akin. “Ano na naman ‘yan Atticus?” seryoso kong tanong sa kaniya. “Why? I’m serious Erina, medjo naging off ako these past few days. Maybe because I care,” sambit niya. Napatingin naman ako sa kaniya ng seryoso dahil hindi ko alam kung saan ba nangagaling yung mga sinasabi niya. “I hope pwede nating ibalik yung dati, without boundaries sa ating dalawa,” sambit niya. Napatingin ako ng seryoso sa kan

