ERINA NAPADILAT lang ako dahil sa sinag nang araw na tumatama sa aking mata. Napatingin ako sa paligid at nakita ko na wala ako sa bahay ko dahil iba ang kisame. Napabangon ako sa malambot na kama na hinihigaan ko sabay napahawak sa aking ulo dahil sa sakit nito. Agad kong hinanap ang cellphone ko upang makita ko kung ano’ng oras na ba. Nanlaki naman ang mata ko nang makita ko sa cellphone ko kung ano’ng oras na. Agad naman akong napabangon sa hinihigaan ko sabay tinignan ang paligid. Hindi ko alam kung asaan ba akong lugar, kasi bago lang naman sa akin itong lugar na ito. Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan dahilan upang mapaupo ako sa kama. “Gising ka na pala, Erina,” sambit nito. Napakunot naman ang noo ko sabay napatingin sa kaniya. “Manang Fe?” tanong ko. “Ikaw ba ‘ya

