ERINA NAPAHINGA lang ako nang malalim sabay napatingin sa aking cellphone, bigla namang tumawag si Atticus kaya agad ko itong sinagot. “Hello Atticus, okay ka lang ba?” nag-aalala kong tanong sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pag-aalala ko, pero kanina pa talaga ako kinakabahan sa bahay pa lang ni Cianne. [“I’m fine, ikaw nakauwi ka na ba?”] naririnig kong pag-aalala sa kaniya. Napahinga ako nang malalim dahil doon. “Yeah, pinauwi na ako ni Duke kanina eh, sabi daw niya kasi hindi pa daw masyadong good jan. Pero okay na ba, hindi ka naman napaaway ‘no?” tanong ko sa kaniya. [“Bakit mo naman naisip na napaaway ako?”] tanong niya sa akin. “Ewan ko, galit na galit ka na kanina eh, hindi ko alam kung saan ka susugod kaya medjo kanabahan ako actually natakot,” sambit ko

