ERINA NAKATINGIN lang si Duke sa katabi kong si Cianne. Napatingin naman ako kay Cianne at napapansin ko na lagi lang siyang nakayuko at tila iniiwasan ang tingin sa kaniya ni Duke. Hindi ko naman alam kung ano’ng meron sa kanilang dalawa, pero alam kong merong alam si sir Atticus. “So Anne, how’s your life now?” tanong ni sir sa kaniya. “It’s good, medjo busy lang din sa life ko ngayon. Especially flight attendant din ako. Enjoy naman yung buhay especially kapag may flight,” sambit ni Cianne. “Ano’ng airline mo?” tanong ni sir Atticus. “Uhm yung airline ng family ninyo, Sanctuary Pacific,” sambit ni Cianne. “Mhh, airline ninyo pala Duke eh. So hindi mo pa nagiging pilot si Duke?” tanong ni sir Atticus sa kaniya. “Uhm minsan lang naman siya magkaroon ng flight especially f

