ERINA NAGISING ako dahil s amalakas na katok sa labas ng pintuan. Agad naman akong napabangon at napakamot sa aking ulo dahil doon. Gusto ko pang matulog pero hindi ko magawa dahil sa malakas na katok na iyon. Nakabayad naman na ako ng rent ano pa ba yung problema bakit parang may gera na pupuntahan yung kumakatok? “Bakit, ang aga-aga ang lakas ng ka—” agad akong napatigil nang makita ko siya sa labas ng bahay. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil doon. “A-Atticus ano’ng ginagawa mo dito?” tanong ko sa kaniya. Napatingin ako sa cellphone ko at tinignan ang oras. “5:30 pa lang ah,” sambit ko. “Well, visiting you.” Napakunot namna ang noo ko dahil sa sinabi niya. “Visiting me? Ano’ng meron?” tanong ko sa kaniya. Hindi ko pa din makalimutan yung nangyari kahapon kaya hi

