THIRD PERSON SERYOSONG nakatingin si Atticus kay Erina habang naglalakad ito, ni hindi alam ni Atticus kung ano ang ikinikilos ni Erina, hindi niya malaman kung bakit nagkakaganito ang dalaga. Napatigil sa paglalakad si Erina sabay napatingin kay Atticus na dahilan ng pagtataka niya. “Mahal mo si Vienne?” tanong nito dahilan upang mapatigil si Atticus. “Alam mo kinukwestiyon ko na yung ginagawa natin ngayon, hindi ko alam kung tama pa ba, tama pa nga ba Atticus?” tanong ni Erina. “Tama pa ba na ginagawa natin ‘yung bagay na ito? O gumagawa lang ako ng dahilan para saktan yung sarili ko?” Napahawak si Erina sa kaniyang noo habang iniisip ang mga sinabi. I’m right, dapat hindi ko na ito tinuloy, hindi na dapat. Alam kong magiging ganito lang ito. Inisip ni Erina ang mga ginawa ni Atticus

