THIRD PERSON NAGISING si Erina dahil sa tama ng sinag nang araw sa kaniyang mukha. Napakamot siya dito sabay napatingin sa kaniyang cellphone na nakalagay sa side table. Alas-siyete na nang umaga at damang-dama niya pa din ang pagod sa kaniyang katawan. Napatingin siya sa kaniyang tabi at nakita niya na wala na doon si Atticus. Napatingin siya sa kaniyang katawan at nakita niya na may bihis siyang malaking putting t-shirt. Kung hindi siya nagkakamali ay damit iyon ni Atticus. Dama din niya sa kaniyang gitnang parte na wala ng lagkit ngunit may sakit. Siguro nilinisan na ako ni Atticus. Hindi mapigilang hindi mapangiti ng dalaga dahil sa kaniyang naiisip. Ngunit bumalik sa kaniyang alaala ang nangyari kagabi. Ang kaniyang katanungan na itinanong niya kay Atticus. Ngunit hindi siy

