Ang Kwento ni Yugo.

1710 Words
Seryoso na rin Ang mukha ni Jake, sa isip niya anong nangyari kay Yugo bakit bigla Sumeseryo Ang mukha niya. " pre ano bang balita yan ?" takang tanong niya dito. " Ano kasi pre ehh " sabay kamot sa kanyang ulo, " Pre atin-atin lang to ha " paninigurado ni Yugo sa kanya. " Ano ba kasi yan pre mukhang di ka na si Yugo ngayon ahh Marites kana ngayon ahh" habang nakangiti siya nawala na ang pagtataka na nararamdaman niya. " Ganito kasi ang nangyari pre di ba naalala mo si Johnny yung pedicab driver na laging pumupunta dito na mag dala ng kape" Sabi ni Yugo sa kanya. " Ou pre bakit anong nangyari sa kanya ?" kunot noo na tanong niya dito. " Kilala mo rin Naman si Jane di ba yung listener ko na pumupunta dito yung laging nag papa cute sayo di ba yung may anak " Sabi pa ni Yugo. " Ou pre bakit ano ba Ang koneksyon niya kay Johnny? takang tanong niya. Kumuha muna ng Yosi si Yugo saka tinawag si Ryan na bigyan siya ng Kape saka umayos ng upo bago nagsalita. " Ganito kasi pre kagahpon pumunta dito si Jane during may program di ba linggo kahapon habang nasa program ako biglang dumating si Jane may dalang pancit at loaf bread, hinanap ka nga pero sabi ko nasa inyu ka kasi wala ka namang pasok. " kwento ni Yugo. Tumango lang si Jake, alam naman talaga niya na kapag si Yugo ang nasa ere marami ang bumisita sa kanya Lalo na't entertainment Ang program niya. Pag Araw ng linggo babahain talaga ng bisita Ang tatlong oras na programa niya na mag sisimula ng alas siete ng Gabi Hanggang alas dyes. " Tapos ngayon pre anong koneksyon kay Johnny? " usisa pa niya. " Ngayon pre di nag tagal dumating din si Johnny nag dala ng kape. So habang nasa commercial break ako lumabas ako dito sa lobby nag uusap ang dalawa alam mo Naman na may asawa si Johnny di ba.? kwento ni Yugo. " alam ko Ang tapang nga ng asawa nun ehh " dagdag pa niya. " Tapos pre anong nangyari ? diritsohin mo kasi dami mo pa kasi pasikot-sikot ehh nakakabitin ka mag kwento" iritang Sabi niya naiinis na din siya putol-putol ang kwento ni Yugo. " Yun na nga " Sabi ni Yugo. " Ganito Ang nangyari pre habang bumalik ako Doon sa loob " sabay turo sa announcers booth. " Naiwan ko sila dito sa labas nag uusap sila habang kumakain, sumasali na rin sa usapan si Mang Rico kasi pinapakain din nila." ang tinutukoy ni Yugo na Mang Rico ay gwardya na naka duty nh Gabi. " Pagkatapos ng programa ko sympre alas dyes na ng Gabi kwentuhan saglit, biruan ganun. itong si Jane wala ng masakyan pauwi sa kanila kaya nag pahatid kay Johnny pre kasi may pedicab naman si Johnny." dadag pa ni Yugo habang tumigil muna sa pagsasalita dahil humithit muna ng Yosi. Tumaas ang kilay ni Jake sabay sabing " ehh ano Naman Ang masama pre kung nag pahatid lang ? ikaw talaga binibigyan mo agad ng kahulugan Siguro may gusto ka sa Jane na yun noh ? " birong tanong ni Jake sa kaibigan. " Di ganun pre ehh " pag papaliwanag pa ni Yugo. " May mas malala pang nangyayari pre alam mo ba na dinala pala ni Johnny si Jane doon sa bahay nila di ba may kubo doon na bakante doon sila tumuloy. " habang nanlaki Ang mata ni Yugo. Natatawa Naman si Jake sa expression ng mukha ni Yugo sabag sabing " tapos may nangyari sa kanila eh nasaan pala Ang asawa ni Johnny ? " takang tanong niya dito. " ou pre May nangayari talaga kasi night shift pala Ang asawa ni Johnny call center kasi work nun ehh. Ito namang si Johnny di agad nakagising kaya yun ng dumating Ang asawa niya kaninang alas Singko ng Umaga nag tataka itong Wala sa bahay nila si Johnny, at Ang naka pag tatataka pa parang may tao doon sa bakanteng Kubo sa likod ng bahay nila dahil naiwan nila yung tsinelas nila sa labas Tanga din ito si Johnny eh " nailing na kwento ni Yugo. " So anong nangyari? " tanong ni Jake pero parang nahuhulaan na niya Ang nangyari sa kanilang kaibigan. " Nang dahil dun pre pinuntahan ng asawa ni Johnny Ang Kubo ayun tumambad sa kanya Ang hubot hubat na katawan ni Johnny at Jane na natutulog walang kamalay Malay kaya nag Wala Ang asawa ni Johnny, kinuha Ang itak Ang pinag hahampas sila Buti nalang nakatakas si Jane at tumakbo palabas balot Ang isang kumot si Johnny Naman ayun tinamaan sa kamay nandun ngayon sa ospital doon na ako galing eh." Gulat Naman Ang expression ni Jake di niya akalain na ganun pala katindi Ang nangyari. " Nasaan Naman Ang asawa ni Johnny ngayon ? " usisa ni Jake sa kasamahan. " Ang asawa Naman ni Johnny ay nasa pulis station na kasalukuyang iniimbistihahan pati si Jane ay nahuli na rin ng Pulis at naka detain na" Sabi pa nito Kaya dahil sa kwento ni Yugo, dali dali tinawag ni Jake ang isa nilang reporter na si Andrew Suelos, nagbigay siya ng maikling instructions at saka sinabing. " Gawan niyo ng patas na report yan kunan niyo ng pahayag Ang magkabilang panig Kunin niyo na ng statement ang pulis tungkol dito and I want that report this afternoon magsama ka ng cameraman magandang scoope yan." Agad namang tumango si Andrew at pagkatapos nun tumalikod na. kampante naman si Jake sa kanyang mga reporter alam na nila Ang gagawin sa mga ganitong masisilang bagay na gawan ng report. Siya kasi ang humasa sa mga tauhan niya. Saglit niyang binalingan si Yugo at sabay sabing " Dapat pre tumawag ka kanina sa News Desk Sayang Ang scoope ehh next time pag may ganyan tawag agad. " tumango lang si Yugo sa totoo lang di naman niya akalain na ibabalita ito ni Jake Lalo na't kaibigan nila ito. May sasabihin pa Sana si Yugo kaso nag aalangan siya baka kasi magalit sa kanya si Jake alam niya kasi na di niya pwedi panghimasukan Ang trabaho nito. Nahahalata Naman ni Jake na may sasabihin sa kanya si Yugo kaya inunahan na niya ito. " Ganito kasi yan pre trabaho lang walang personalan malaking scoope yan kahit na kamag-anak pa yan o kaibigan sa trabaho natin importante na masagawa natin ito ng maayos basta patas lang tayo Wala tayong dapat ika-bahala. okay ? " Sabi niya dito na seryoso Ang mukha. Naintindihan Naman si Yugo ang ibig niyang sabihin at kahit ano pa Ang magiging disisyon nito wala siyang kapangyarihang pigilan ito nakakataas sa kanya si Jake kahit na gusto niyang sabihin na wag nang ibalita alam niyang Wala ring mangyayari kaya nag kibit-balikat nalang siya. " At Isa pa pag nakuha yan ng ibang network Ang scoope na yan at naunahan tayo malalagot tayo kay boss. Ako Ang malalagot dahil di ko nagawa ng mabuti Ang trabaho ko bilang head ng news department. Alam mo Naman nasa pulis na yan tapos may injured pa ilalabas talaga ng Pulis Ang Press Release sa among group chat mas mabuti ng tayo Ang mauuna." pag papaliwanag niya dito nang makitang di nagsasalita si Yugo. Alam niya kasi nag nag mamalasakit si Yugo sa kanilang kaibaigan. Nakakahiya Naman kasi Ang nangyari. Ngumiti nalang si Yugo sabay tayo Kilala niya si Jake alam niyang walang kinikilingan ito kahit nga kamag-anak pa niya ibabalita niya basta maganda ang scoope ehh. makahakot din kasi ito ng viewers at listeners Ang ganitong Balita agad itong mag viral dahil sa Pilipinas masyadong Chismoso Ang mga tao. Tumayo na rin si Jake sinipat niya ang kanyang relo alas otso na nang umaga gutom na siya kaya niyaya niya nalang si Yugo na pumunta sa canteen ilang kumain. Pero tumanggi na si Yugo may pupuntahan pa daw siya kaya napag pasyahan niyang di nalang sa canteen kumain doon nalang sa suki niyang karenderya. Nang makarating na siya doon marami na ring mga tao Ang kumakain doon kaya agad siyang nag order ng pagkain. Isang rice at atay na may itlog saka nag hingi ng sabaw ng bolalo. Paborito kasi niya Ang atay na may itlog ehh. Nang makaupo na siya sa lamesa biglang nagsalita si aling Bebang " Oy sir Jake nakita mo ba yung viral ngayon sa social media ? " " ha ? " gulat na Sabi niya. " Anong Meron pala Aling Bebang " takang tanong niya dito. " Hay nako nahuhuli ka na ata ehh media ka pa naman ito ouh tingnan mo " sabay abot ng cell phone niya kay Jake. Kunot-noo na tiningnan si Jake Ang cell phone ni aling Bebang habang tumitingin sa video na nasa Three minutes Ang haba makita sa video Ang Isang babae na nag wawala dahil nahuli niya Ang asawa niya na may dinalang ibang babae doon sa Kubo nila makita din sa video Ang pag takbo ng Isang babae na walang damit nakabalot lang ng kumot,. nakita rin niya Ang Isang lalaki na may sugat sa paa at kamay pati na rin Ang pag awat ng mga kalalakihan sa nag wawalang babae. Nanlaki Ang kanyang Mata sympre kilala niya ang lalaki si Johnny iyun kahit na di masyadong malinaw pati na yung babae na walang damit na tumakbo Kilala niya di lubos akalain na may mga chismosang kapit bahay Ang mag video at agad na upload sa social media. Ang masaklap pa ilang minuto palang viral na agad ito sa social media na umani na samot-saring kumento at Ang dami ng share. Napaisip siya tama lamang Ang desisyon niyang mag padala ng reporter doon sa pulis station para gawan ng Balita at kunan ng pahayag Ang magkabilang panig. Inangat niya ang kanya ulo Sabay sabi kay aling Bebang. " Alam ko na yan sa Katunayan nag padala na ako nag reporter doon sa pulis stasyon abangan nyo nalang mamayang hapon ang Balita " Sabi niya dito na may ngiti. saka binalik kay aling Bebang Ang Cellphone niya. Nag fucos na sa pagkain si Jake habang kumakain biglang may pumasok sa kanyang ala-ala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD