3rd Person's POV Napanganga ang lahat ng simulan na nina Goddess Reyne, Goddess Airines, Seca, Blue, Shiela, Sunny at Dark Queen ang ritual. Kahit ang mga dyos na nanonood lang sa kanila mula sa Crystal World ay di maintindihan kung anong nangyayari. Umangat sa lupa si Cloud o Nikka. Biglang umilaw ng nakakasilaw at lumitaw ang dalawang dalagang napakaganda. Ang isa ay si Princess Nikka, kitang kita ang pagbabago sa itsura nito naging mas mature at malakas na ito kung titignan. Ang isa naman ay si Cloud Lopez. Ang Guardian of the Lost Souls. Inosenteng inosente ang mukha nito. Kitang kita ang malawak na ngiti ng mga magulang na nagluwal at nagtago ng sikreto nya ng makita nila ito. "Ibang klase" Kieffer. "Ang ganda nila" Kyler. "Tumanda na si Insan." Sean. "Sino ang nakasama natin?

