Mare's POV (meyr- pronunciation) "Honeybunchies, kailan mo ba ako balak sagutin? 3 years na akong nanliligaw sa iyo", tss, hindi makapag-intay. Hindi ko na lang sya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. 3 years na ang nakalipas. Ang tagal noh? Sina Seca at Nathan ay nag-aaway pa rin. Si Steve naman at Janiah ay nag-iiwasan. Tss, hindi pa ata nakamove-on yung babaeng yun. At kami ni Kieffer? Tss, walang kami. Nililigawan lang nya ako. At hinding-hindi ko sya sasagutin. Over my dead and gorgeous body, tsk. "Baby naman, sagutin mo na ako. Please?", inirapan ko na lang sya at nagpatuloy ulit sa paglalalad. Nandito ako sa hallway at sinusundan ako ng kumag na ito. Teacher na kamo dito sa academy. Marami na ang nagresign sa trabaho, pagkatapos ng digmaan dahil gusto nilang mamuhay ng normal

