Nikka's POV 2 buwan na ang nakalipas pero di pa rin nila kami nakikilala. Mabuti na rin siguro iyon para mahanap agad namin ang ibang mga traydor dito sa Academy. Sinabi ko na rin ang tungkol kay Ms. Forester kay Sean. Oo, siya ang nakita kong traydor noon sa leveling. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung sino ang tao sa likod ng nanacloak na iyon. Gulat pa rin ako dahil nagawa niyang kontrolin ang kapangyarihan ko. Inaalam ko pa kung sino ang may kakayahang makagawa noon ngunit wala akong sagot na nahahanap. Hindi lang pala kami ang nag-iimbestiga pati na rin ang mga royalties. Pina-iimbestigahan naman nila kami. Nakakatawa nga kung iisipin mo ehhh. Pero hinayaan lang sila nina Mommy. Nakilala rin namin sina Shiela, Tyron, Sunny, at Gino. Si Shiela pinsan siya ni Renz at ang kan

