Nikka's POV Alam niyo bang ito na ang pinaka-awkward na training para sa akin? Ang tuturuan ko sana ay naging kasama ko rin sa pagtetraining. "Okay, tama na muna Reyne ang bilis mo ehh", sabi ni Maricris "Oo nga Reyne, pahinga muna tayo", dagdag ni Mare. "Kahit magaling na ako sa pakikipaglaban ng pisikalan, nahihirapan pa rin ako sa iyo Reyne. Sa inyong dalawa ni Nikka for the correction, ang gagaling niyo ehh", sabi ni Seca. "Puwede bang pahinga muna?" sabi ni Nhipe. "Hingal na hingal na ako, magtatlong oras na tayong naglalaban ng tuloy tuloy", sabi ni Nhia. "Ang hirap naman kasi at ang bilis", sabi ni Lana. "Ang ingay niyo, sige na nga", sabi ni Reyne kaya ang lawak ng ngiti ng mga tinuturuan namin. Nagkumpol kumpol sina Nhipe, Mare, Seca, Nhia, Lana, Maricris, Jeraldyn, Hanna

