Kyler's POV Nang mahimatay si Nikka para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Di ko alam kung anong nararamdaman ko. Kahit si Cloud ang nakasama ko, kay Nikka pa rin ako laging nakatingin. Kahit si Cloud ang nakikita ko, nung nalaman kong si Nikka pala ang nakasama ko, ang saya-saya ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Para akong baliw na umiiyak habang nakangiti dito. Umiiyak dahil sa sakit na naramdaman ni Nikka at nakangiti dahil makakasama ko pa sya ng matagal. Tumakbo agad ako papalapit kay Nikka at binuhat sya. Yung isang staff naman ang bumuhat kay Jade. Takbo-lakad ang ginawa ko, makahanap lang ng clinic o mga healer na makakapagpagaling kay Nikka. Wala kasing healer na nanduon sa auditorium. Puro mga wasak na classroom at mga patay na enchanters at mga kalaban a

