Xandra's POV "Hello kids", masayang bati sa amin ni Queen Nicky. My aunt. "Hello po" "Hi" "Magandang araw po" "Welcome back po" "Anyeong" "Hi po sa inyo" Isang tipid na ngiti lang ang binigay ko. Napako ang tingin ko kay Cloud na lalapit sana kay Tita Nicky pero pinigilan nya ang sarili nya. Napakunot ang noo ko pero pinabayaan ko lang. Maya-maya lang nakarinig kami ng pagbagsak. Napalingon kaming lahat sa gawi ni Cloud na ngayon ay nawalan na ng malay. Dali-daling lumapit ang mga staffs. "Dalhin nyo na lang sa dorm si ate", sabi ng isang elementalist. "Hindi pwede Blue. Kailangan syang idala sa clinic para matignan na rin kung bakit sya nahimatay", sabi ni HM. Alanganing tumango naman yung Blue. Bakit ba pinilit nyang sa dorm dalhin ang ate nya kung alam naman nyang sa clini

