Chapter X: Ang Espada y Daga

1517 Words
Alejandro's Point of View Nandito ako ngayon sa isang sementeryo kasama si Gracia dahil binibisita nya ang puntod ng mga magulang nya. Pero hindi lang ako nandito para samahan sya dahil makikipagkita ako sa kanya. " Mauna ka na Gracia pagkatapos mo at may pupuntahan lang ako. " sabi ko sa kanya at umalis na Nakita ko ang hinahanap ko na isang matandang lalaki na nakaupo sa isa sa mga libingan at kumakain ng kung ano. Nilapitan ko sya at nakangiti na tumabi sa kanya at nung nakita nya ako ay binigyan nya ako ng kanya kinakain. " Lolo Baldo! " bati ko sa kanya " Apo! " bati din nya " Masaya ako makita ka! " sabi nya na may ngiti " Masaya din ako! " sabi ko din sa kanya at nagsimula na akong magsalita tungkol sa mga nangyari sakin noong nakaraang linggo " Alam mo Alejandro, kailangan mo sabihin sa kanya kung sino ka dahil ang alam nya lang ay isa kang aswang at hindi kana nya gaano maalala. " sabi nya sakin " Pero hindi sya nakikinig. Atsaka saan mo nanaman nakuha ito lolo Baldo? " tanong ko sa kanya dahil ang pangit ng lasa nitong inabot nyang pagkain " Sa bangkay ng isang d**g addict. " sagot nya " Bakit hindi ka nalang kumuha sa magnanakaw o sa naaksidente?! " sabi ko sa kanya " Dahil sa nagmamadali ako. " sabi nya na may pagkapilosopo " Alam mo lolo Baldo kung nandito lang si lola eh malamang kinagat kana no'n. " sabi ko sa kanya at tumawa lang sya " Biro lang, sa pusa galing yan. " sabi nya sakin at tumawa kami " Kamusta ka nga pala lo? " tanong ko sa kanya " Eto ayos lang. Alam mo, ang mga lolo ng kaibigan mo ay nakasama ko na sa mga misyon noong nasa U.W.A.C. pa ako." sabi nya sakin " Huh, naging miyembro kayo ng U.W.A.C.?! " gulat kong tanong sa kanya " Mga limang taon din ako nandoon. " sabi nya sakin " Marami din nangyari samin noong kasali pa ako pero ang nabalitaan ko ay si Ricardo nalang ang buhay. " sabi ulit nya habang nakatingin sa kawalan " Meron akong sasabihin sayo apo. Ang katotohanan ay masakit pero ang kasinungalingan ay lalo lang nagpapasakit sa isang tao, lagi mo yan tatandaan dito ( duro nya sa ulo ko ) at dito. ( duro nya sa parte ng dibidib kung saan ang puso ko ) " seryosong sabi nya Napangiti naman ako sa sinabi nya dahil sa alam kong hindi lang ako ang gusto nyang sabihan no'n dahil si Oliver din at sa tingin ko pati si Sage Director Ricardo. Tumayo na ako at aalis na sana ng magsalita si lolo. " Alejandro, meron akong hiling sa iyo. Gusto ko ibagay ito sayo. " inilabas nya ang isang espada y daga ( sword and dagger ) at nagulat ako dahil ito ang lagi nyang dinadala at ang dagger ay galing kay lola. " Pero diba importante ito dahil sa inyo ito ni lola? " tanong ko dahil nagtataka ako kung bakit nya ibibigay nya ito sakin " Oo, pero gusto ko na magamit mo ito sa mga misyon mo. Ang espada y daga na iyan ay gawa sa buntot ng pagi at mga tela at kahoy na nakakapanghina sa atin pero ang ating angkan ay binigyan ng diyos ng kadiliman na si Dilimo ng isang espada y daga at binilinan na ibigay ang daga sa makakatuluyan namin aswang man o tao. " sabi nya sakin at naalala ko kung bakit hindi nya ito binigay kay tatay, dahil wala si mama. " Sige po. " sabi ko at kinuha ang espada y daga at umalis na Paglabas ko ng sementeryo ay nakita ko si Gracia na nakatingin sakin at nakangiti na lumapit sakin. Nagtaka ako dahil mula ng magkita kami ( hindi nya alam na ako ang kababata nya ) ay nakasibangot sya kapag nakita ako. ( Bago Umalis si Alejandro ) Gracia's Point of View Dinalaw ko ang mga magulang ko dahil sa matagal ko na hindi sila nadalaw. Tatlong araw narin nagmulang naging kasama ako sa organisasyon na tinatawag na uwak este U.W.A.C. pala. " Mauna ka na Gracia pagkatapos mo at may pupuntahan lang ako. " sabi sakin ng aswang at umalis na Nagtaka naman ako kung saan sya pupunta kaya ini-spray ko ang espesyal kong pabango na nagpapawala ng amoy ko at sinundan ko sya at nakita ko na lumapit sya sa isang matandang nakaupo habang kumakain. Nakita sya ng matandanat binigyan ng kinakain nito " Lolo Baldo! " bati ng aswang na kasama ko na nakalimutan ko na " Apo! " bati ng matanda sa kanya " Masaya ako makita ka! " sabi ng matanda na may ngiti " Masaya din ako! " sabi ng aswang sa matanda at nagsimula na syang magsalita tungkol sa mga nangyari sa kanya noong nakaraang linggo at nagulat ako dahil sa mga sinabi nya na sya ang kababata ko na meron akong pagtingin. Sinabi ko sa sarili ko na hahanapin ko sya ng malaman ko na umalis sya sa Baryo at nakita ko na sya pero hindi ko inaasahan na isa syang aswang. " Alam mo Alejandro, kailangan mo sabihin sa kanya kung sino ka dahil ang alam nya lang ay isa kang aswang at hindi kana nya gaano maalala. " sabi ng matanda sa kanya May kutob ako na hindi sya susunod sa sinabi ng matanda sa kanya dahil sa hindi ako makikinig. " Pero hindi sya nakikinig. Atsaka saan mo nanaman nakuha ito lolo Baldo? " sabi nya at nagtaka ako dahil sa tinanong nya kung saan nakuha ng matanda ang kinakain nila " Sa bangkay ng isang d**g addict. " sagot ng matanda " Bakit hindi ka nalang kumuha sa magnanakaw o sa naaksidente?! " sabi ni Alejandro " Dahil sa nagmamadali ako. " sabi naman ng matanda na may pagkapilosopo " Alam mo lolo Baldo kung nandito lang si lola eh malamang kinagat kana no'n. " sabi ni Alejandro sa kanya at tumawa lang sya " Biro lang, sa pusa galing yan. " sabi ng matanda at tumawa sila " Kamusta ka nga pala lo? " tanong ni Alejandro sa kanya " Eto ayos lang. Alam mo, ang mga lolo ng kaibigan mo ay nakasama ko na sa mga misyon noong nasa U.W.A.C. pa ako." sabi ng matanda at nagulat ako sa sinabi nya " Huh, naging miyembro kayo ng U.W.A.C.?! " gulat na tanong ni Alejandro sa kanya " Mga limang taon din ako nandoon. " sabi ng matanda sa kanya " Marami din nangyari samin noong kasali pa ako pero ang nabalitaan ko ay si Ricardo nalang ang buhay. " sabi ulit nya habang nakatingin sa kawalan " Meron akong sasabihin sayo apo. Ang katotohanan ay masakit pero ang kasinungalingan ay lalo lang nagpapasakit sa isang tao, lagi mo yan tatandaan dito ( duro nya sa ulo ni Alejandro ) at dito. ( duro nya sa parte ng dibidib kung saan ang puso ) " seryosong sabi nya at tumayo na si Alejandro Umalis na ako sa tinataguan ko at mabilis na pumunta sa entrance at nakita ko na wala pa sya ay inilabas ko ang hininga ko na kanina ko pa pinipigilan. Pagkadating nya ay ngumiti ako sa kanya at naglakad papunta sa kanya at halata sa mukha nya ang pagtataka pero di ko alam kung bakit sya nagtataka kaya hindi ko ito pinansin. Hinawakan ko ang braso nya at hinila sya at nagsimula na kaming maglakad paalis. ( Pagkabalik sa Apartment ni Apollo ) Third Person's Point of View Nagtataka parin si Alejandro sa inasal sa kanya ni Gracia pero ipinagbukas nalang nya ito dahil matutulog na sya kaya humiga na sya sa sofa. Mabilis na natulog si Alejandro at sa kwarto naman ni Apollo ay mahimbing na natutulog si Apollo ng may pumasok sa kwarto at tumabi sa natutulog na si Apollo. ( Kinabukasan ) " AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH ! " isang malakas na sigaw ang nanggaling sa bibig ni Apollo na nagpagising sa mga kasama nya pero naka-lock ang pinto kaya hindi sila makapasok Kaya sumigaw si Apollo dahil sa katabi nyang babae ay ang bagong miyembro na si Sam pero sumigaw sya dahil sa nakita nya. Nakasuot kasi sya ng isang sexy maid costume na napalakas sa morning wood nya. Nagising din si Sam at bumangon sya. Tumayo sya at naglakad papunta kay Apollo habang si Apollo naman ay umatatras hanggang sa nasa pader na sya at nasa harapan na nya si Sam na nakahawak ang mga kamay sa dibdib nya. She look seductively sa kanya at ngumiti na parang isang bata na binigyan ng candy. " Good morning, Master! " sabi ni Sam na may pagkahalong seductive ang boses At lahat ng mga kasama ni Apollo sa apartment ay iisa lang iniisip habang naka-sweatdrop 'guilty pleasure nya ang babaeng nakasuot ng sexy maid costume. ' At sabihin nalang natin na hindi na virgin si Apollo at Sam at maraming marka si Apollo sa leeg nya. End of Chapter
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD