Artemis' Point of View
Magandang araw!! Ako nga pala si Artemis Antelope Mondragon Ibarra, ako ay anak ni Timothy Hernan Sanchez Ibarra na miyembro ng isa sa pinakamayaman na pamilya sa buong Pilipinas na Pamilyang Ibarra. Ako ay may balingkinitang katawan,may perpektong ahem*dibdib*ahem, straight na itim na buhok, dark brown na mata, matangos na ilong at mapulang labi.
Nandito kami ngayon nang kapatid kong si Hermes sa Saint George Academy sa Subic dahil dito kami in-enroll ni dad kasi may natunugan syang lead na dito daw nakita si Apollo, ang nawawala kong kakambal.
Naglakad na kami papunta sa Principal's Office habang ang driver namin ay sumusunod sa amin. Pagkadating namin sa Principal's Office ay bumulagta samin ang daan-daang mga papel ang nakalapag sa mesa at sahig.
" Nandyan na pala kayo. Umupo muna kayo diyan sa upuan. " sabi ng isang boses mula sa mismong opisina.
" Hindi na po sir, kukunin lang namin ang section namin at aalis na kami para hindi ka maistorbo sa mga ginagawa nyo. " sabi ko pagkaharap ko kung saan nanggaling ang boses na iyon at nakita ko ang isang lalaki na makapal ang buhok kasama na ang balbas, mapapagkamalan kong maintenance si sir kung di sya nakasuot ng uniporme ng mga guro
" Ah, Hindi pa pala ako nagpapakilala! Ako nga pala si Leon Agoncillo ang inyong principal ng Saint George Academy. " sabi nito samin
" Ah, eto na ang mga section nyo. Miss Ibarra sa 9-I ka habang ikaw naman Mr. Ibarra ay sa 8-III. " sabi nya uli atsaka naglakad kami palabas ng office nya.
Pumunta kami sa Faculty Room at tinawag nya ang dalawang guro. Ang gurong tinawag nya ay dalawang babae na nagkekwentuhan, ang una ay may mahabang buhok at maputlang mukha na nasa thirties na at ang isa naman naman ay ay maikli ang buhok at medyo paitim na ang kulay ng balat at nasa fifties na.
" Miss Ibarra, itong si Ma'am Guerrera ( turo sa babaeng maputla ) sya ang magiging advisor mo at si Ma'am Contreras naman ang magiging advisor mo Mr. Ibarra. " pagpapakilala ng principal sa mga guro
Sumunod ako kay Ma'am Guerrera habang papunta kami sa classroom. pagkadating naman, pinahintay muna ako sa labas ng pinto at napatingin ako sa loob ng room napahanga ako dahil malinis ang loob at walang kalat
( Sa room ni Hermes )
Hermes' Point of View
" Ako nga pala Si Hermes Messiah Ibarra, 13 years old at kakalipat ko lang dito kasama ang pamilya ko. " pakilala ko sa kanila
?????? 's Point of View
Napatingin ako sa batang may tuwid na buhok, kulay tsokolateng mata, matangos na ilong at mapulang labi. Habang tinitignan ko sya ay naramdaman ko na magkatugma kami ng espiritwal na enerhiya, madalang ang taong mga may ganito. Naaalala ko ang tawag sa kanila ay mga salamangkero, ang mga taong may kakayahan na gumamit ng espiritwal na lakas at gamitin ito sa pakikipaglaban.
" Anong ginagawa mo Sangan? " napatingin ako sa direksyon kung nasaan nanggaling ang boses na iyon at nakita ko tikbalang si Bilis.
" Wala, naghihintay lang ako kina Oliver at Apollo. " ang sagot ko sa tanong ni Bilis
Si Oliver at Apollo ay mga salamangkero na miyembro ng isang samahan ng mga salamangkero na pumipigil sa kapwa salamangkero na gumagawa ng kasamaan at ang samahan na iyon ay tinatawag nilang uwak, hindi ko nga alam kung bakit uwak ang tawag nila sa samahan nila.
" Gusto mo lang uli makausap sila at makita ang uwak na may tatlong binti na si Yangwu eh. " sabi ni Bilis sakin na may halong pagbibiro
Si Apollo kasi ay isang salamangkero na nakipagsanib sa isang elementong-nilalang, napakadalang ng mga ganoong klase ng mga salamangkero. Sa pagkakatanda ko magaling din sa paggawa ng tatak mahika si Apollo habang si Oliver naman ay sa elementong-kalikasan na apoy.
" Alam kaya ng batang yan na isa syang salamangkero? " tanong ni Bilis nang mapansin nya kung sino ang tinitignan ko
" Siguro. Tignan natin kung isa nga syang salamangkero. " sabi ko sa kanya
( Lunch Break )
Hermes' Point of View
Lunch Break na at papunta na ako sa School Cafeteria ng may napansin akong paggalaw sa mga halaman kaya sinilip ko dahil sa curious ako at laking gulat ko sa aking nakita dahil isang duwende lang naman ang aking nakita na nakasuot ng berdeng damit. Bago pa ako makasigaw ay mabilis akong hinila ng duwende at nagulat ako dahil wala na ako sa school at nasa isang mapunong lugar ako napunta. Tinignan ko ang napakagandang paligid na lumiliwanag dahil sa mga liwanag na nanggagaling sa lupa.
" Hoy Sangan! Bakit naramdaman ko na nagbukas ka ng lagusan? " tanong ng isang boses at nung liningon ko kung saan nagmula iyon ay laking gulat ko na isang lalaki na kasing edad ni ate Artemis ang nandoon.
Ang lalaki ay may bangs na tumatakip sa kanyang kaliwang mata, dark brown ang mata nya at sya ay nakasalamin, may matangos syang ilong at maputlang bibig. Nakasuot sya ng school uniform ng Saint George na black pants, white t-shirt at green na polo.
" Teka, ikaw na ba yan Hermes? " tanong nya sakin at dibla nalang syang tumawa at lumapit sa akin atsaka ako niyakap ako
" Teka sino ka ba? At bakit mo ako kilala? " tanong ko sa kanya
" Hindi mo na ba ako naaalala? " tinaas nya ang bang nya at nakita ko na hindi dark brown ang kulay ng mata nya sa kaliwa kundi itim at dibla ko naalala si kuya Apollo at diblang lumaki ang aking mata nang ma-recognize ko sya
" Kuya Apollo? Ikaw na ba yan? " tanong ko at tumango naman sya
" Teka, itong batang ito ang kapatid mo na tumulong sayo noon? " tanong ng duwende na nakalimutan ko na nandito
Tumango lang si kuya Apollo at tumingin sakin ng seryoso na ikanakaba ko naman.
" Narito rin ba sila? " tanong ni kuya Apollo sakin at tumango naman ako
Alam ko kung sino ang sila na tinatanong ni kuya Apollo, ang mga magulang namin at si ate Artemis. Hindi ko alam kung pinatawad na ba sila ni kuya Apollo o hindi pero masaya ako na nakita ko na ulit sya.
" Teka kuya, nasaan na ba tayo? " tanong ko nung maalala ko na wala kami sa school
" Eto ang mundong humiwalay sa mundong alam natin Hermes. Tanging ang mga tinatawag na elementong-nilalang na katulad ni Sangan at mga tao na tinatawag na salamangkero ang kaya pumunta dito at sa mundo natin. Eto ang La Elementasia! " sabi ni kuya Apollo
" Bakit nga pala nandito si Hermes, Sangan? " tanong ni kuya Apollo
" Natalo ako ng kuryusidad ko dahil naramdaman ko na magkatugma ang aming espiritwal na lakas, hehehe" sabi ng duwende
" AAAHHHH!! Tapos na ang lunch break!! Umalis na tayo dito Hermes! " sabi dibla ni kuya Apollo at naalala ko na hindi pa ako kumakain
" Makinig sakin oh aking mahika,
Buksan mo ang pinto pabalik sa mundo ng Daigdig,
Bumukas kang Lagusan!! " sabi ni kuya Apollo at may portal na lumitaw
" Tara na Hermes at baka ma-late ka! " sabi nya at mabilis akong sumunod sa kanya
End of Chapter