Maaga pa lang, busy na si Maya sa pag gawa ng mga phone calls. May liwanag ng pumapasok sa malalaking bintana ng veranda, amoy na ang bagong timplang kapeng dinala sa kanya ng katulong at tahimik pa ang umaga niya since tulog pa si Klaus at wala ang makukulit na triplets na nagpapaingay sa buong paligid niya. Kaya sinamantala na muna niya na ayusin ang lahat dahil mamaya balak na niyang kunin sila Nero at Elric para bigyan ng atake sa puso si Alex. Kagabi pa lang na e-excite na siyang makita ang reaction ni Alex kapag nalaman nitong triplets sila Klaus, hindi naman na niya maitatago ng matagal dahil tiyak na hahanapin na din ni Klaus ang kakambal nito. Kaya na i-message na niya si Donna na susunduin na niya ang mga ito mamaya lang. “Okay, approve na ‘yung feasibility sa Quezon City,” a

