Hindi nagpaalam si Maya ng iwan niya si Alex habang nakikipag-organize ito sa auction event na mag sisimula na soon. Hinahanap ng mata niya si Donna pero hindi makita ng mata niya ang impakta niyang kaibigan at kahit si Jun ay hindi niya makita. Kanina lang na tatanaw pa niya ang mga ito ng palihim. Family friend pala ng magulang ni Donna ang may paparty at ninang nito sa binyag ang birthday celebrant mismo kaya pala ito nagkaroon ng invitation. "Malilintikan ka talaga sa akin Donna," bulong ni Maya ng hindi niya makita ang kaibigan. Wala naman problema sa kanya na magkalove life si Donna kaso lang ayaw naman niyang ang love life nito ay magaya sa kanya na anak ang na uuna bago ang kasal. Kung gusto talaga ito ni Jun sana manlang alukin ito ng kasal muna bago honeymoon. Tahimik lang si

