Pagkabukas na pagkabukas pa lang ni Maya ng elevator, gusto na niyang maglakad nang diretso at makauwi. Ito na yata ang pinaka nakakapagod na nangyari sa buhay niya, ang makatanggap ng indicent proposal sa edad na 20, imagine kaka-20 pa lang niya. Pagod na siya—emotionally drained, physically wiped out, at mentally wala na talaga siyang lakas na lumaban pa sa hamon ng buhay. Pero parang sinusubok talaga siya ng universe dahil sa pagliko niya sa hallway papunta sa emergency exit sana dahil ayaw niyang dumaan sa lobby dahil baka pakalat-kalat doon si Arianna, mabuwisit siya at masampal ito kahit wala itong ginagawa. Bumungad sa kanya sina Arianna at Jean, both dressed to impress, naka-high heels at bibit ang kani-kanilang branded bags na parang galing sa salon ang dalawa. Pagkakita ng mg

