"Pasaway ka talaga, ikuha mo nalang mo na nga lang ako ng tea." iling ng ginang na naupo na sa gilid ng kama. Agad naman na tumalima si Maya na tumalikod para lumabas. Then pag bukas niya ng pinto ganun nalang ang gulat ni Maya ng makita si Alex na nakatayo lang sa labas ng pinto na bahagya pang yumuko at nagtapat ang mga mukha nilang dalawa. Wala itong sinabi pero yung ngiti nito sapat na parang mag summersault ang puso niya. Pakiramdam ni Maya aatakihin siya ng hika habang nakatitig sa guwapong mukha ni Alex na unti-unting sumilay ang malokong ngiti. Napasinghap siya ng bigla nitong hilahin ang braso niya at ito pa mismo ang nag sarado ng pinto saka siya isinandal sa pinto, then leaned forward na ikinatikom ng bibig na ipinasok ang mga labi in case tangkain siyang halikan nanaman ni Al

