Tahimik ang buong kuwarto ni Alex, pero hindi ‘yung katahimikang payapa dahil gabi na kundi ‘yung katahimikang mabigat, yung parang hindi ka makahinga ng maluwag, nakakasakal yung katahimikan sa pagitan nila ni Maya. Ang klase ng katahimikan na mas maingay pa kaysa sigawan. Magkatabi sila sa kama. Hubad at walang saplot na kahit ano. Walang kumot na tumatakip sa katawan nila. Walang unan na nagsisilbing hadlang sa pagitan nila. Balat sa balat, Init sa init pero walang kahit anong lambing. Walang yakap na nagbibigay-ginhawa. Walang halik na nag-aalok ng paghingi ng tawad. Nakahiga si Maya patagilid, nakatalikod sa binata. Nakayakap sa katawan niya ang dalawang braso niya na parang pilit na pinoprotektahan ang sarili laban kay Alex. Hindi na siya umiiyak pero yung kirot ng puso niya nandun

