"Yung totoo? Lilipat ba talaga tayo sa bahay ni Alex dahil sa mga bubwit na anak nila Arianna o dahil balak n'yo ni Alex na mag bahay-bahayan para walang matang naka bantay sa inyo?" tanong ni Donna sabay sundot sa tagiliran ni Maya. "Sira ka talaga! Syempre gagawin ko to para sa mga anak ko. Pasaway ko!" ani Maya na bahagyang natawa. "Bakit pakiramdam ko 75% na totoo at 25% ba lie." pabiro naman na sinabunutan ni Maya ang kaibigan. Habang nag aayos sila ng mga maleta ng triplets na kasama ng Lolo Luther ng mga ito sa playroom. Nakabukas ang lahat ng maleta sa sahig, nakalatag ang mga damit ng triplets—magkakaparehong t-shirt, pajama, medyas na maingat na tinutupi ni Donna habang binibilang sa isip. Si Maya naman ay nagtungo gilid ng aparador, hawak ang isang maliit na backpack na may p

