"Jolibee na lang tayo." ani Maya habang nag lalakad sila papasok ng SM Mall. Punong-puno ng tao ngayon dahil weekend, kaya medyo maingay, maraming bata, maraming pamilya, at siyempre maraming nawawalang pasensya ng mga magulang at tingin niya isa din siya sa mga ina na magkakaganun mamaya. Dahil kanina pa siya inuungutan ni Trixie na mag lalaro ito sa kidzoona. Magkakasama silang tatlo nila Donna, Trixie at siya dahil bukas ay start na ng trabaho niya sa mansion ng Tizon. At kagabi nag kaiyakan na silang tatlong babae dahil first time nilang magkakahiwa-hiwalay after 5 years. Ang usapan nila ni Donna kapag day-off puwede nitong hiramin si Trixie at kapag day-off naman siya sila naman ni Trixie ang dadalaw dito since magiging busy din ito sa trabaho nito sa hospital. “Mommy, I want to p

