Disoras na ng gabi, biglang na gising si Maya sa tunog ng cellphone niya. Kahit si Alex, na mahigpit na naka-yakap sa bewang niya habang natutulog, bahagyang gumalaw sa pagkagising niya. Na dahan-dahanng inabot ng kamay ni Maya ang phone bago pa magising ang mga bata sa kama nila. Bahagya pang maidilat ni Maya ang mata sa liwanag ng phone para tingnan kung sino ang caller. Nang makita niyang ang caller ID ay si Alejandro, bahagya siyang napahinto at nagtaka lalo na ng makita kung anong ano oras na ala-una y'media na ng madaling araw. “Hello?” mahina niyang bumulong, habang inaalis ang kamay ni Alex sa pagkakayakap sa kanya na umungot pa na ayaw s'yang bitawan pero pinalo nalang nya ito ng mahina bago gumapang pababa ng kama. Lumingon muna siya sa mag-aama niya saka humikab pa ng bahagy

