Naglalakad na si Maya palabas ng department niya hawak ang cellphone na nag tatype na siya ng message para kay Alex at nag papaalam na siyang uuwi na ng bago pa man niya ma i-send nag ring na ang phone niya si Alex ang caller na sinagot naman niya agad. "Yes." bungad niya. "Don’t go home yet." Napakunot ang noo niya, na napalingon sa paligid tulad niya nag-uuwian na din ang ibang empleyado since 5:30pm na. "Why? Uwian na." "Umakyat ka muna dito." Napabuntong-hininga si Maya. Alam niya na ang tonong ganun. Hindi iyon pakiusap kundi, utos iyon na binalutan lang ng pagiging mahinahon na tono. "Akala ko uuna na ako?" "Hindi. Sabay tayong uuwi. Let's have dinner together." napangiti naman si Maya. "Are you asking me out?" narinig ni Maya ang bahagyang tawa ni Alex. "I won and I want

