Hinihingal sa galit si Dominic after maibato ang music box na dala ni Arianna na nag kadurog-durog sa sahig after nun tumama sa pader. "See that stupid! Iyan ang 20 million na sinayang mo. Walang worth? Wala man lang ka value-value pero nakipag agawan ka sa halaga—funyeta ka!" gigil na sigaw ni Dominic sabay sampal na kay Arianna ng hindi na nakatiis sa galit na ikinabagsak ni Arianna sa sofa na sapo ang pisngi. "Hindi ka man lang nag-isip? Nag simula ang bidding sa halagang 50 thousand? Tapos nakipag laban ka pa, hindi ka man lang nag taka kung bakit 50 thousand lang ang starting niyan." turo ni Dominic sa sirang music box. "Saan na napunta yung anak kong matalino? Asan na yung anak na kaya kong ipag malaki sa kahit kanino. Puro kana katangahan." duldul pa ni Dominic sa noo ni Arianna

