Hawak ni Maya ang dibdib niya, hinihingal, galit na galit habang nag lalakad na patungo sa kuwarto nila ng isang kamay ang humila sa braso niya saka siya hinila at pumasok sila sa kuwartong nasa tapat ng kuwarto nila. Patulak siyang binitawan ni Alex sa ibabaw ng kama nito. “Alam mo ba ang ginawa mo, MAYA—?! Nasa MEETING ako!” bulalas ni Alex, gigil na sigaw ng binata habang nakaturo sa pinto. “Good!” sagot ni Maya, malakas, puno ng sarcasm na tumayo pa pero itinulak lang siya ulit ni Alex pabalik saka mariin na napamura ng pabulong na napasapo sa noo na parang nag titimpi. “At least may audience tama lang na makita nila kung anong klaseng tao ka." “Huh—ano?!” napakunot-noo si Alex. “Bakit ka—" Hindi siya pinatapos ni Maya na tumayo mismo sa ibabaw ng kama niya towering him habang

