"Nandito na kami sa elevator Sir paakyat na po diyan." ani Jun habang kausap ang amo sa telepono. Pagkatapos sunduin ni Jun si Trixie sa school, imbes na dumiretso sila pauwi, diretso silang nagtungo muna sa company ni Alex. May ipinapautos kasi ang amo—mga papeles na kailangang asikasuhin agad, at dahil mas malapit ang company kesa sa bahay ng amo dun na muna ni Jun idineretso si Trixie gaya ng utos nito. "Tito Jun, diba dito nag wowork si Mommy?" tanong ni Trixie habang magkahawak kamay silang sakay ng elevator. "Oo nasa 21st floor siya." "Puwede ba akong pumunta dun saglit lang mag HI lang ako kay Mommy." hiling ni Trixie na umiling naman si Jun. "Sorry Trixie, medyo may conflict kasi ang identity ng Mommy dito, bawal malaman ng lahat na anak siya ng may-ari. Low profile ang momm

