Nasa Den sa 2nd floor sila Alex kasama si Jun na siyang sumundo sa kanila sa hospital, sa sasakyan palang kabado na si Alex habang pauwi dahil makakaharap na niya ulit ang triplet. At sa totoo lang hindi pa siya nakakita ng triplets sa tunay na buhay. Twins yes, pero triplets nope. Ngayon palang kaya kabado talaga siya tapos anak pa niya. Dapat aalis na si Jun after nitong ihatid sila pero pinigilan niya itong umalis dahil alam naman niya sa bahay na yun ay wala siyang kakampi. Pinag kakaisahan siya ng sarili niyang pamilya kaya kailangan niya ng kasangga. "Aray boss ang sakit na." alanganin bulong ni Jun na inaalis ang kamay ni Alex sa likuran niya na naka kurot. Ang mukha ni Alex parang chill lang at relax na relax pero deep inside hindi talaga siya okay, ang bilis pa rin ng kabog ng p

