Pagkababa ni Maya ng taxi sa tapat ng Tizon Mansion, napalunok siya ng malalim. Medyo napangiwi siya sa taas ng gate, gate palang kita mo na ang nag huhumiyaw na kayamanan ng may-ari ng bahay. "Grabe. Hindi mansion ang tawag dito. Palasyo." bulong ni Maya na nakatingin sa paligid. Wrought-iron gates na may gintong initials na T.M., malalaking fountain na parang kumakaway sa yaman, at mga puno na mukhang may sariling landscaper. Feeling niya pag may nalaglag na dahon, may staff agad na may hawak na walis para saluhin bago pa dumapo sa lupa. “Lord…” bulong ni Maya sa sarili habang inaayos ang blouse at sling bag niya. “Papasok pa ba ako? Baka pag nakita ako ng may-ari, akalain miyembro ako ng NPA o nanghihingi ng donation.” bulong pa ni Maya pero naalala niya ang sweldo $1,500 per month

