May kakaibang napansin si Alex pag pagpasok palang nila sa gate ng Tizon Mansion, hindi ganitong katahimikan ang inaasahan n'yang sasalubong sa kanila. Ang inaasahan niya si Maya na naka abang after ng ilang araw na hindi nito kasama si Trixie, ngunit walang Maya na mabilis na tumatakbo palabas ng mansion. Napatingin siya sa cellphone na hawak, mula ng huling usap nila never na nangulit si Maya sa call at text akala niya binibigyan lang siya ni Maya ng time na masolo at makasama niya si Trixie pero sa mga oras na ito hindi niya ma explain pero parang natatakot siya sa nararamdaman na hindi niya ma-ipaliwanag. Masyadong tahimik ang buong paligid. Iyon ang unang napansin niya pagdaan pa lang ng sasakyan sa main gate ng Tizon Mansion. Walang nagmamadaling katulong para salubungin siya. Hind

