Nakatayo si Maya sa harap ng salamin sa powder room. Nakapatong ang dalawang kamay sa lababo, nakayuko nang bahagya, habang unti-unting lumilitaw ang pamumula sa kaliwang pisngi niya sa lakas ng sampal ni Arianna. Hindi naman masakit sa totoo lang, hindi talaga. Mas masakit pa rin ang mga salitang binitawan ni Alex. “You’re playing dirty.” “Don’t hurt yourself just to win.” Napangiti siya nang mapait saka pumikit na umiling. Hindi niya pinag sisihan ang mga ginawa niya at gagawin pa rin niya iyon hanggang sa pagsisihan ni Arianna ang lahat ng kasamaan na ginawa nito. “Galing mo,” bulong niya sa sarili. “Ikaw pa rin ang un defeating evil stepsister.” ani Maya sabay buhay ng gripo, sinabuyan ng malamig na tubig ang mukha niya—hindi para sa pisngi, kundi para pakalmahin ang init na bum

