Malalakas na kalabog sa loob ng silid ni Alejandro ang maririnig sa buong hallway, dinig din ang hingal at sigaw ni Alejandro sa loob ng silid nito. Paulit-ulit na sinisipa ni Alejandro ang pinto, na sinasabayan din ng suntok sa nakasaradong pinto. “Ilabas mo ako!” sigaw ni Aly sa pagitan ng pag-iyak. “Dad! Please—huwag mo akong ikulong dito! Dad!" sigaw ni Aly na gigil na gigil na sinipa ang pinto. Sa labas ng pinto, nakatayo si Angelo. Napatingin sa dalawang lalaki na nakabantay sa labas. "Kanina pa ba siya nagwawala?" tanong ni Angelo. "Mukhang kagigising lang ulit niya Sir." sagot ng isa. "Asan si Arianna?" "Umalis lang po sandali, sisilipin lang daw po niya ang mga bata." napatango naman si Angelo. "Dad! Please—Ilabas mo ako dito! Dad." sigaw ni Aly napapikit si Angelo na si

