"Josh, wag tayong PDA." Mahina kong sabi habang nakakulong sa kanyang yakap, yakap na animo'y wala ng bukas. Tama. Tatlong araw lang siyang nawala, tatlong araw lang at ganito na siya kung mag react.
"Bakit? Dahil ayaw mong masira ang reputasyon mo as a Christian? Kaya bawal ng yumakap ang boyfriend mo sayo?" Naiirita niyang tanong ngunit di pa rin niya ako pinapakawalan.
"Hindi. Pero nasa mall tayo at ayokong pinagtitinginan ng tao." Explain ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagbuntong-hininga ni Josh saka niya ako binitawan. Tiningnan niya ako ng may bahid na pagkadismaya, ngunit kalaunan ay nag-uumapaw pa rin ang kanyang respeto at pagmamahal.
"I understand. You can go back, Nao."
Aakma na sana siyang tatalikod ngunit pinigilan ko ang kanyang braso. "Sandali." Napalingon siyang muli. "Magpapaalam na lang ako sa mga bata. Hintayin mo 'ko."
Nanlaki ang mga mata ni Josh sa tuwa, pero panandalian lang sapagkat sumeryoso siyang muli. Kinuha niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanyang braso at binitawan.
"No, Nao. Go back. I'm sorry I said those words. Don't worry about me. I just missed you, that's all."
Hindi ko alam pero ako ata ang nagi-guilty dito. Alam kong hindi kailanman intensyon ni Josh na saktan ako, minsan lang kapag punong-puno siya ng pangungulila ay nagagawa niya akong sigawan imbes na lambingin. Nakasanayan ko na din.
Yong mga kaibigan kong nakakaalam sa relasyon namin ni Josh ay tinatawag akong martyr. Ang mga Christian friends ko naman ay pinipressure akong dalhin si Josh sa simbahan, ang iba ay mas nais nilang hiwalayan ko na lang. Pero kailanman ay hindi sumagi sa isip ko na iwan si Josh.
Naniniwala pa rin akong in His time, Josh will welcome God in His heart.
"Hindi ko na lang tatagalan. Tatawagan kita pag tapos na. Sorry talaga."
"Don't say sorry to me, Nao. Dahil para mo na ring sinabi na mali yang ginagawa mo sa ministry."
"Josh! Kung ganon.. "
"Nope, hindi ko sinasabi na tama o mali yan, for me it's neither. Ang akin lang, kung yan ang paniniwala mo panindigan mo hanggang sa huli dahil hindi naman kita pipigilan." Pagkatapos non ay tumalikod na si Josh.
Nakaramdam ako ng lungkot ng makita ko ang kanyang likod na unti-unting lumalayo. Pinakaayaw ko ang makita ang likod ni Josh, sa ayaw ko man o hindi, nagdadala ito ng lungkot. It always makes me realize that there's a big wall between us. The more I grow in faith, the more I see him drifting away. Making those walls even thicker.
"EXCUSE ME, Greenwhich delivery po. Sino po ba si Miss Naomi Ferrer?" bungad ng isang binata sa may pintuan. Sabay kaming napalingon sa binatang nakasuot ng Greenwhich uniform, may bitbit din siyang maraming supot.
"Wow, foods!"
Halos maghiyawan ang mga kabataan ng makita ang mga supot ng pagkain. Patapos na kami sa cell meeting dahil lunch time na din, balak ko din sanang tapusin ng maaga at wag ng umabot sa hapon. Nangako kasi ako kay Josh na tatapusin ko early.
Timing naman na may dumating na delivery. Pero nagtaka ako kasi hindi naman ako umorder ng Greenwhich.
Ganunpaman, napatayo ako. "Ako si Naomi. But I didn't order those foods."
Sinuklian lang ako ng ngiti ng binata, tapos dali-dali niyang nilapag ang mga supot sa malapit na lamesa. "Josh po ang pangalan ng umorder, ma'am. Sabi niya dito daw iaddress at ibigay sayo. Paki-receive na lang po, ma'am. Bayad na po tong lahat." Tapos may binigay siya sa'king papel. Gulong-gulo man ay pinirmahan ko na lang.
"Uyy ate Naomi, sino si Josh? Boyfriend mo?" Tanong ni Juni sabay kurap ng mga mata. Dinedma ko na lang.
"Hala ate Naomi, si Mr. Pogi po yan noh? Josh ang name?" It's Marta this time.
"Magpasalamat na lang tayo at kumain. Ang dami niyo pang kaechusan." Sabi ko habang natatawa sa kanilang mga reaksyon.
"Defensive si ate Naomi oh!"
Umalis na ang binata ng may mareceive akong text galing kay Josh. Napangiti na lang ako. Kahit sanay na ako sa ganitong moves ni Josh ay di ko pa rin mapigilang kiligin.
Have a happy lunch. Sana magustuhan din nila. See you.
Thank you. Reply ko.
_____
"Magandang hapon, Miss Naomi." Bati sa'kin ni Manang Greta, ang matandang hardenera sa mansyon ng mga Boaz. Siya kasi ang nagbukas ng gate. "Nagtaxi ka na naman?"
"Manang naman, pwedeng Naomi na lang? Para ko na kayong ina." Nakangiti kong sagot sa kanya habang sinasara niya ang malaking red gate. Hindi naman lola type si Manang Greta, she just turned 52 last month. Bata pa man ako ay nagsisilbi na talaga siya sa pamilyang Boaz.
"Sus. Alam mo namang makati ang tenga ni Sir Josh, hija. Ngayong umuwi na siya, bawal ka ng tawagin sa pangalan lang." Napailing na sagot ni Manang Greta na ngayon ay sinasabayan na akong maglakad papasok ng bahay.
Malaki ang mansion ni Josh. Pamana pa 'to galing sa kanyang mga magulang na maagang namayapa. Sikat na negosyante ang mga Boaz dito sa Davao, at isa sila sa stockholders ng Marc Pole Hotels. Ng mamatay ang mag-asawang Boaz sa isang car accident, si Josh na ang nagpatuloy sa lahat sa edad na kinse anyos. Siya lang naman kasi ang nag-iisang anak.
May malaking fountain sa harap ng entrance. At sa bandang kaliwa naman ay may magarang terrace na nakaharap sa kalsada, nasa second floor yon at connected sa kwarto ni Josh. Napalingon nga ako sa taas at naabutan kong nakatingin sa'kin si Josh. He's holding a cup in his left hand. At nakasimangot....na naman.
Ano na naman bang nagawa ko?
Eh kanina nga lang may padeliver pa siyang foods na nalalaman. Tapos ngayon grumpy ulit. Mood swings nga naman.
"Tingnan mo Manang Greta, nakasimangot na naman. Gwapo sana ang sungit naman." Mahina kong sabi kay Manang Greta.
"Eh kasi nakita ka niyang bumaba sa taxi."
Napasinghap agad ako. "Naku! Pinagalitan niya ba si Mang Edwin kanina?" Si Mang Edwin yong personal driver ko na binabayaran ni Josh buwan-buwan para lang may tagahatid sundo ako kapag busy si Josh. Matanda na rin si Mang Edwin, pero malaki ang tiwala ni Josh dito at sa kanyang driving skills.
Hindi ko naman masisisi si Josh kung overprotective siya pagdating sa transportation. Car accident kasi ang ikinamatay ng mga magulang niya...namin. Oo, magkasabay na namatay ang parents namin ni Josh. We are what you call "family friends." Hindi ko lang boyfriend si Josh, childhood friend ko rin siya.
Nakapasok na ako sa entrance ng bahay at katahimikan agad ang sumalubong sa'kin. Magara lahat ng muwebles. Marami ding antique items na nakadisplay. Sa malapad na bubong ay nakadikit ang magkatabing family portrait ng pamilya ni Josh at pamilya ko. Sa gitna naman ay isang portrait kung saan magkasabay na kaming lahat sa iisang kuha. Lahat kami ay nakangiti. Masayang-masaya. The picture was taken when I was ten years old, at fifteen naman si Josh. Magkatabi pa nga kami sa litrato. That was the last portrait of us all.
"You disobeyed me, Nao." Matigas na sabi ni Josh habang pababa siya ng hagdanan. He's not holding his cup anymore.
"Disappear muna ako. Mainit ata ang ulo eh." Bulong sa'kin ni Manang Greta at bago pa man ako makareklamo, umalis na siyang bigla. Napakamot na lang ako sa ulo.
"Uhm, surprise?" Nauutal kong sabi habang palapit ng palapit si Josh sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko unti-unti akong lumiliit. Ang laki kasing tao eh. Di ma reach.
"Inamin sa'kin ni Mang Edwin na sa loob ng tatlong araw, nagtataxi ka na lang." Matigas pa rin ang pagkasabi ni Josh non. Galit nga ata. Oh Lord, please intercede.
"Pinarest day ko muna for 3 days. Sabi ko naman sayo hanapan mo siya ng kareliyebo."
"I don't care if he's tired or not. I don't trust other drivers, especially those taxi cabs!" Sigaw niya sabay duro ng hintuturo sa labas ng bahay. Napapikit tuloy ako hindi dahil sa takot, kundi dahil ayaw kong makita ang nagagalit niyang mga mata. Hindi naman bayolenting tao si Josh, pero normal na talaga sa kanya ang magalit at sumigaw lalo na pagdating sa kaligtasan ko. Sabihin na nating may trauma sa kamatayan si Josh. Mabuti pa nga kay Kamatayan at least kinatatakutan niya, pero si Lord hindi. OH HINDI.
"Sorry." Tanging sabi ko. Nakapikit pa rin. Hindi naman ako nanginginig. Naramdaman ko na lang ang kamay ni Josh sa baba ko, tapos inangat ang mukha ko.
"Look at me, Nao." And he said it with authority. Kaya naman binuksan ko na lang ang mga mata ko. Nahagilap ko sa mga mata niya ang sakit ng kahapon na hanggang ngayon ay dala-dala pa rin ni Josh. "Don't try a taxi cab again."
"Then, can I drive?"
"No."
"Jeep?"
"Of course not!"
"Eh di maglakad na lang ako."
Napatigil siyang bigla. "Only if you're walking with me." Mahinahon niyang sabi habang binitawan ang baba ko. Just then, I find him petting my head and added, "Change your clothes. We'll go somewhere."
"Saan?" Hirit kong tanong ng paalis na siya.
"You'll know later."
Urgh. Naiwan na lang akong mag-isa. This time, ako na ang nakasimangot. Eh pano, sa tuwing nasa bahay ako laging si Josh talaga ang nasusunod. In this house, Josh rules.
Opo. I don't have my own home. Josh mansion...is my only home. Simula nong mamatay ang mga magulang namin ten years ago, si Josh na ang nagpalaki sa'kin at kumupkop.
Josh Boaz is not only my boyfriend. He's my father. He's my mother. My brother. Sister. My closest friend. And the only person that's left to me when my world crushed down ten years ago.
Even though we don't share the same faith anymore, there's a bond between us which keep us going. And it's something people won't easily understand.
One thing I know, aside from God, Josh is my source of strength.