Kabanata 66

2316 Words

Sa ikalawang pagkakataon ay napaslang yata na naman si Purol. Sa pagkakataong ito ay napaslang naman siya ng isang Bathala na ang ngalan ay Alibulan. Ngunit sa kabila ng kaniyang sinapit, walang poot o hinanakit o kahit pagsisisi sa kaniyang puso si Purol. Bukal sa loob niyang tinanggap ang kaniyang kapalaran dahil kung magpapakatotoo lamang siya sa kaniyang sarili ay nakakaramdam na rin siya ng pagod. Magmula naman kasi nang magkatagpo ang mga landas nila ni Arowana ay hindi na huminto ang kanilang pagsuong sa mga panganib na kanilang napupuntahan sa kanilang paglalakbay sa Daang Bathala. Hindi talaga siya nagkaroon ng pagkakataon na makapagpahinga kaya naman ngayong wala na siya ay ito na ang pagkakataon upang makahinga siya nang maluwag. Ngunit wala na nga ba siya? Hindi niya alam an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD