Kung may natuklasan man si Arowana na pinakanakakagulat, ito na marahil yun. At batay na rin sa naging hiltsa ng muka ng matandang hukluban nang marinig niya ang huling sinabi ni Kanlaon, maski ito ay hindi inaasahan ang kanyang narinig mula sa kanyang pinuno. "P-Pinunong Kanlaon..." utal-utal na tugon niya sa Bathala ng mga Bulkan. "Tama ho ba ako ng dinig sa inyo? A-Ang tikbalang na nakahandusay sa lupa ay ang almajo niyo? Isa kayong alejar?" "Bakit, nagbago na ba ang iyong tingin sa akin sa iyong natuklasan, Silag?" Kaagad namang umiling ang matanda na dating Catalona. "Hindi po, Pinunong Kanlaon! Kailan man ay hindi magbabago ang aking paggalang at pagsunod sa inyo kahit pa ng aking nalaman nagyon!" giit ni Silag na may bahid na rin ng takot sa kanyang mukha. Marahil ay mabilis magal

