Chapter 6; The Head Of The Caldwells

1474 Words
Liam's Pov; "Sir Liam naihatid na raw po ni Patrick si Miss Claire sa opisina," tumango nalang ako sa sinabi ng isa sa mga secret bodyguards ko. Gustohin ko mang ako mismo ang maghatid sa kanya ay kailangan kong umuwi sa mansion dahil sa biglaang pagbabalik ni lolo galing Canada. Pagkababa ko nang aking sasakyan ay mabilis na tinungo ko ang entrance ng mansion. Ang mansion kung saan kami lumaki ng pinsan ko at kung saan nabubuhay ang ala-ala ng aming mga magulang. Makalipas ang halos isang taon ay ito ang unang beses na tatapak ako rito. "Young master nasa opisina niya po sa second floor si chairman," bungad sa'kin ng butler na si James matapos magbow sa harap ko. Kagaya nang lagi kong ginagawa ay hindi ako sumagot sa sinabi niya. Dumiretso ako sa second floor kung saan naroon ang opisina ng aking lolo. Pagkaakyat ko sa grand staircase ay muling nanariwa sa aking isipan ang araw ng aking kabataan. Gano'n parin ang mansyon, wala paring pinagbago. Hitik na hitik parin ito sa mga disenyong ginto but the atmosphere seems a little different compared to how it was when my dad was still alive. It turned into an empty space covered in longings and disappointments. The good days were gone, only the bad memories remained. This place used to be a happy and comfortable one but it changed when my dad and my cousin's mom died. Nagbago ang pakikitungo saamin ni lolo, he trained us to become his successors at ang dating tahanan para sa'kin ay nagmistulang isang malawak na kulungan. "Grandpa," pagtawag ko sa pansin niya pagkapasok ko. Tiningnan niya lang ako at muling bumalik sa kanyang ginagawa. Abala na naman ito sa pagbabasa ng mga aklat tungkol sa negosyo. Naupo ako sa harap niya at hinintay ang kanyang sasabihin. Nasanay na ako na ganyan si lolo, hindi siya 'yong tipo ng lolo na mapagmahal sa mga apo. Kabaliktaran ang lolo namin, bata pa lang kami ay sanay na kami sa ugali niya. Imbes na makipagbonding sa'min gaya ng ibang normal na mga lolo ay iba ang uri ng pakikipagbonding niya. Bata pa lamang kami ay nasanay na kami na palagi niya kaming pinagbabasa ng mga aklat tungkol sa pagpapatakbo ng negosyo. Hindi kami puwedeng mapagod o makaramdam nang pagkabagot sa harap niya. Para sa kanya ay hindi magandang magpakita kami ng kahinaan. "How was your first day here in the Philippines?" tanong niya habang nananatiling nakatingin sa kanyang binabasa. "It's good grandpa," maiksing sagot ko. "Kumusta naman 'yong pinapagawa ko sa'yo?" Sabi ko na nga ba at ito talaga ang tunay na pakay niya kung ba't niya ako pinatawag. Tumingin siya sa'kin na para bang sinusuri ako at ang magiging sagot ko. "Don't tell me na lalambot ka sa pinsan mong si Katey? I told you already! Katey is your mom's niece and she's not supposed to be around our company destroying everything that your dad have worked hard for! She's not a Caldwell, she's a Benitez for heaven's sake!" Hindi ko alam kung ano pa ba ang dapat kong isagot sa kanya. Katey is my cousin, she's my mom's niece and she's the owner of Elegance; ang clothing line na matagal nang gustong alisin ni lolo sa HIC Malls. Elegance is also the reason why he created HIC Apparel dahil nalaman niya ang unti-unting paglawak ng impluwensiya ni Katey at ang palihim nitong pagkausap sa ibang mga board members. He wants to use it para mapabagsak ang Elegance dahil alam niyang hindi niya ito basta-basta mapapabagsak. "Lo, alam niyo naman siguro na hindi gano'n kadaling paalisin si Katey. Dad promised her, and he made an oath na hindi puwedeng alisin ang Elegance sa HIC Mall as a promise to my mom." Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Elegance is originally a creation of my mom's late sister which happens to be Katey's mom. Bago pa man tuluyang mailaunch ang brand na ito ay namatay dahil sa sakit si tita Victoria, pero bago siya mawala she asked mom to give Elegance to her only child; Katey. She made my mom promise her na mananatili ang Elegance sa HIC Malls at ibibigay niya ang full ownership kay Katey sa oras na tumuntong ito sa tamang edad. Dahil hindi makatanggi si mom sa dying wish ng kanyang kapatid ay pinilit niya na gumawa ng agreement si dad; ang CEO ng HIC Malls ng panahong iyon. Elegance will stay in HIC Malls hanggat hindi ito tuluyang nababankrupt. "There's a red line to that agreement and I want you to use it para tuluyang alisin ang Elegance! I don't want an outsider to take charge on my company!" he said angrily. "Ano bang ginagawa ni Roberts at bakit puro damit pangbata nalang ang kaya niyang ipagawa sa mga designer niya? Gano'n ba siya katakot sa impluwensiya ni Katey sa board?" "Lo, I think I found the right person para tuluyang pataasin ang sales ng HIC Apparel." Seryosong napatingin sa'kin si lolo dahil sa sinabi ko. "And who's that person?" takang tanong niya. "She's one of the top designers of HIC Apparel and I'm sure hindi siya takot banggain si Katey" paliwanag ko sa kanya. "Make sure of that! Siguraduhin mong matatapos na ang pagrereyna-reynahan ng pinsan mo na 'yon or else baka magulat ka nalang siya na ang biggest share holder ng HIC Malls at papalitan ka na niya bilang CEO!" he warned me. HIC Malls is a legacy of my father kaya hindi ako papayag na bawiin ito saakin ng kung sino lang. Alam kong si Claire ang tamang tao para sa layunin ko at magagamit ko siya para gawing number one brand ang HIC Apparel. Knowing that she's a Villashne alam kong hindi siya basta-basta matitinag ng isang Katey Benitez. "Don't worry lo, I can assure you that I will not allow Katey's bad intentions to succeed." "Good. Lucas will be home soon, I will assign him as CEO of HIC Medical." Napatingin ako kay lolo dahil sa sinabi niya. Lucas stayed in Germany for years after his mom's death. He decided to pursue his own dream and leave our family business behind, I never thought that grandpa would finally manage to change his mind. "Pa'no mo siya napapayag?" Naalala ko bago siya umalis he was so mad with lolo for not being able to save his mom. He blamed the accident to grandpa dahil pinilit nitong umalis sina dad at tita Helena sa kalagitnaan ng bagyo. "I have my ways to deal with him and his vengeful nature," casual na sabi ni lolo. Muli itong bumalik sa kanyang binabasa. Tumango na lamang ako, hindi na ako nag-abala pang magsalita. "If there's nothing else babalik na po ako sa opisina," pagpapaalam ko sa kanya. "Yeah, go back to your office and deal with Katey as soon as possible!" utos niya sa'kin. As usual, he would always force us to do the things he want as soon as possible. "Opo," maiksing sagot ko bago ako tuluyang lumabas ng opisina niya dito sa mansion. Nagmamadali kong tinungo ang aking sasakyan dahil may board meeting pa ako pagkatapos dito. "Boss, babalik na po ba tayo sa opisina?" tanong ng driver ko. "Yeah, at pakibilisan because I still have a board meeting to attend." Tumango lang ito at tuluyan nang pinaandar ang sasakyan. "Bumalik na po sa kani-kanilang puwesto ang mga secret bodyguards niyo," paliwanag nito habang nagmamaneho. "That's good, I don't want them to attract too much attention." Kung hindi lang nga importante na sumama sila ngayon ay hindi ko sila pasasamahin. Lolo wants me to have bodyguards all day ,at dahil siya ang pinuntahan ko ngayon ay kinailangan ko silang isama just to make him feel at ease. Tumingin ako sa wrist watch ko and I still have 45 minutes before the meeting. "Hurry up, our 45 minutes is burning." "Noted boss!" Mas binilisan pa nito ang pagpapatakbo. Habang nasa biyahe kami ay napatingin ako sa magkasintahang naglalakad sa gilid ng daan. Bigla ko nalang naalala si Claire, what happened last night wasn't against my will. I don't know how to explain it but it's the first time na nakaramdam ako ng gano'n sa isang babae. The memory of our first meeting still flashes on my mind like it's one of my most treasured memories. That moment na lumingon siya sa'kin was also the moment I felt my heart beats faster. Pakiramdam ko nakita ko na 'yong babaeng mamahalin ko habang buhay. Kaya naman I tried my best para siya na mismo ang lumapit sa'kin, and that's why I challenged her. But the situation now is too complicated, I can't let grandpa know about my feelings for her. I know him, iisipin niyang isang malaking sagabal ang pagmamahal ko para kay Claire at gagawin niya ang lahat just to get rid of her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD