AMBER POV “Totoo ba Amber?” tanong ni James mula sa kabilang linya, agad kong tinawagan ito sa intercom. “Oo, bigla nga ako kinilabutan James, hindi magandang biro iyon. Alam naman ng lalaking iyon na nagkasakit ako sa puso para biruin ako.” “Hindi naman siguro intension ni Sir Phil sa iyo na pakabahin ka Amber,” sagot ni James “Baka naman kasi patay na patay talaga si Sir sa iyo kaya bulaklak ng patay ang pina-deliver. O kaya naman hindi talaga galing iyon kay Sir Phil.” Pero kanino iyon manggagaling. Hindi rin naman talaga ako sigurado kung si Phillip ang nagbigay. “Ano ka ba naman James, huwag mo nang ipagtanggol ang amo mo.” “Hindi ka na mabiro ngayon Amber, ang moody mo, baka buntis ka na?” Panunukso ni James. Bigla akong kinabahan sa sinabi ni James dahil alam kong maaring man

