AMBER'S POV Hindi ako mapakali habang katabi si Sir Phillip sa conference room. Pinag-uusapan ang construction ng project between company of Peralta and Madriaga. In my peripherial vision ay nakikita ko ang madalas na pagtingin ng lalaki sa gawi ko. Lalo tuloy nadadagdagan ang tense ko sa katawan. Pakiramdam ko ay buong katawan ko ang hinahagod ng matandang binata na ito. Idagdag pa ang masamang tingin sa akin ni Giselle na nasa tapat ko lang. Napag-alaman ko na si Giselle ang may-ari ng Construction materials na magiging supplier namin para sa mall na ipapatayo. Matapos ang meeting ay agad nang nagsi uwian ang mga engineers at architects na mga ka-meeting namin. Tumayo na rin kami para maihatid palabas ang mga bisita. Hindi nakaligtas sa akin ang pag-irap ni Giselle. Hindi ko na lang s

