AMBER'S POV “Miss Manalo, huwag kang uuwi ng hindi mo natatapos ang report na pinapagawa ko! Understood?” Mariing wika ni Sir Phillip. Halos buong linggo kami naging busy sa paghahanda para sa isang meeting bukas ng mga Engineers at Architects. Ilang linggo na lang ay magsisimula na ang construction ng pinakamalaking mall sa Asia. “Y-yes, Mr. Peralta.” Huminga ako ng malalim at napayuko na lang. Kaninang umaga pa lang na pagpasok ay puro bulyaw na ang inaabot ko dito sa matandang ito. Ganito ba talaga kapag nasa menopausal stage na? “Hmpp, grumpy old man.” mahinang sabi ko. I ensure na ako lang ang nakarinig ng sinabi ko. “Are you saying something, Miss Manalo?” Galit na wika nito “W-wala po, Mr. Peralta.” Mahinang sagot ko. Bakit kasi mas lalo itong naging masungit sa akin sim

