AMBER POV “G-good morning, Mr. Peralta.” Nakangiting bati ko dito habang papasok ito ng opisina nito. Tuloy tuloy lang ito hanggang sa makarating ng pinto. Binuksan ang pinto at nang makapasok ay padabog na isinara. Agad akong napailing at bumalik sa aking ginagawa. “Kailan kaya kita mapapaamo ermitanyo?” sa isip ko. Sana naman mamaya ay hindi na mainit ang ulo nito sa akin kagaya ng isang araw. Alam kong minsan ay lumalagpas na ako sa limitasyon bilang secretary ni Sir Phillip. Na kahit papaano ay nasasanay na ito sa palaging kong pagsagot ng pabalang. Pero gusto ko lang naman na magkasundo kami, importante ang pagkakaroon ng harmonious relationship sa trabaho. Isa pa... kung tatanggalin niya talaga ako sa trabaho, gusto ko na may sapat akong ipon para pangpuhunan sa maliit na negosyo n

