Chapter 8

2510 Words
Amber's POV Hindi ako nakapagsalita at tila nanigas na sa kinatatayuan ko, kasabay ng malakas na t***k ng puso ko. “G-good morning, Sir Phil,” dati ko dito. Matalim pa rin ang tingin nito sa akin. Bakas sa mata nito ang labis na galit sa akin. Pinilit kong labanan ang masamang titig nito. Halos hindi ako huminga kasabay ng kakaibang t***k ng puso ko. Hindi pa rin ito nagsasalita. Nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan ang balbas sarado nitong mukha. He looks haggard and wasted, may eyebag rin ito at halatang hindi nakakatulog ng maayos. Ang sarap pagupitan ng buhok nitong may kahabaan na and take note ang gulo no'n at pati yata suklay ay susuko sa buhok nito. In short... hindi ito mukhang CEO, bagkus ay mukhang isang bitter na matandang binata. Idagdag pa ang nakabusangot na mukha nito. Wala na yatang maganda sa pagkatao nito, pati ugali ay magaspang pa, hayy. “What’s good in the morning, Miss Manalo?” Bigla akong napakislot sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang baritonong boses nito. “S-sir Phil, I’ll—” “Don’t you dare to call me by my nickname or my name. We're not even close. Call me Mr. Peralta. Let's be formal.” Seryoso ang mukha nito habang matalim na nakatingin pa rin sa akin. “Okay, Mr. Peralta.” Gusto ko sanang sabihin na sorry sa nangyari noong isang linggo kahit kaplastikan lang... baka sakaling bumait ito sa akin. Pero dahil sa magaspang nitong pakikitungo ngayon ay nagbago na agad ang isip ko. 'Wag na lang at masasayang ang sorry ko. “Make a coffee!” pagalit na wika nito na inalis na ang tingin sa akin at binaling sa laptop nito. Nakabawi na ako sa kaba na kahit paano ay humupa na ang malakas na kalabog ng dibdib ko. Hindi ko naman mawari kung dahil ba sa takot sa lalaking kaharap o dahil first day ko bilang secretary nito. “Coffee?” tanong ko. Bigla itong lumingon muli sa akin at matalim na naman ang mata. I saw his jaw clench. Para itong tigre na mananakmal. Nakakatakot ang itsura nito. Bakit ba kasi hindi pa ito magpa-makeover para kahit galit man ito gwapo ang nakikita ko... hindi gaya ngayon na mukhang singkwenta anyos na kahit thirty-seven pa lang. “Bingi ka ba o tanga, Miss Manalo?” Galit na tanong nito. “Sorry, Sir Phil—” “I said huwag mo akong tatawagin sa pangalan ko dahil lalo akong naiinis sa’yo! Get out and bring me my coffee!” ma-awtoridad na utos nito sa akin. Agad akong lumabas ng opisina nito na inis na inis, ang aga-aga ay sira na agad ang araw ko. Gusto ko ng hilahin ang oras para makauwi na ako. Dumerecho ako ng pantry, maliit na kwarto iyon na katabi ng office ni Sir Phillip. Tuwing tanghali raw ay sabay na nagla-lunch si Sir Phillip at James dito sa pantry. Siguro pauunahin ko muna siya mamayang lunch bago ako kumain para hindi ko siya makasabay. May baon na kasi akong kanin at ulam na binili ko sa karinderya na nadaanan ko. Tinuro naman sa akin ni James kung anong panlasa ni Sir Phillip sa kape. Kumuha ako ng tasa at nilagay ang kape at asukal, hindi raw naglalagay ng creamer si Sir Phil. Walang laman ang electric kettle na tubig. Nagtungo ako sa water dispenser para lagyan ng tubig ang electric kettle pero wala na rin na laman ang water dispenser. Ginala ko ang tingin ko, meron naman na stock ng gallon ng tubig pero mabigat iyon at hindi ko kayang buhatin para ilagay sa water dispenser. Napahawak ako sa ulo ko... na-stress ako sa pagtitimpla ng kape pa lamang. Wala akong magawa kung hindi bumalik sa office ni Sir Phillip. Kumatok muli ako ng tatlong beses, matapos ay dahan dahan kong binuksan ang pinto. Agad na nagtaas ng tingin si Sir Phillip mula sa binabasa nito na malamang ay mga reports ng kumpanya. Biglang kumunot ang noo nito nang mapansin na wala akong dala. “Where is my coffee, Miss Manalo?” Tanong nito habang matalim na nakatingin sa akin. “Mr. Peralta, pwede po bang magpatulong na buhatin yung gallon wala na po kasing laman yung water dis—” “What the hell!” Bigla itong napatayo sabay hampas ng dalawang kamay sa table nito. Napapikit ako sa lakas ng tunog ng hampas nito sa table. “How dare you to command me!? Sa ating dalawa ako ang amo at ikaw ang alipin! Kaya huwag na huwag mo akong uutusan! I want my cofffe here in my table within five minutes... or else I will fire you kahit na magalit ang sarili kong ama!” Galit na sabi nito. Umupo uli ito sa table nito at binaling ang atensyon sa reports na nasa table nito. Nakasimangot itong nagsimulang mag-type sa laptop. Mukha akong tanga na nakatayo pa rin dito sa malapit sa pinto at hindi na ako nito pinapansin. “Nakikisuyo po ako at hindi nag-uutos, Mr. Peralta. Magkaiba po iyon.” Malakas kong sabi na nagpa-angat ng mukha ni Mr. Peralta. Nagtama ang mata namin pero sinalubong ko ang titig nitong bakas na bakas ang galit. Kita ko na nagngangalit ang panga nito at nakayukom ang mga kamao na nakapatong sa mesa. Ako ang hindi nakatiis agad akong yumuko, tumalikod at lumabas na ng pinto. “F*ck!” Dinig na dinig kong wika pa ni Sir Phillip bago tuluyang lumapat ang pinto. Galit na galit na naman ito malamang. Below the belt naman kasi itong magsalita. Pwede naman nitong sabihin na ayaw niya akong tulungan, bakit kailangan pa nitong sabihin na alipin ako. Bumalik ako sa pantry para ituloy ang pagtimpla ng kape. Pipilitin ko na lang sigurong buhatin yung gallon. Bahala na. Tinanggal ko ang gallon na walang laman sa water dispenser. Lumapit ako sa gallon na may laman pa at hirap na hirap na hinila palapit sa water dispenser. Pinunasan ko muna ng tissue bago sinimulang buhatin, pero hindi ko talaga kaya dahil nabibigatan ako dito. Nag-try uli akong buhatin pero nahirapan ako. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang nakasimangot na si Sir Phillip. Napanganga ako ng bigla itong dumerecho sa gallon na may laman para buhatin at ilagay sa water dispenser. “This is the first and last time that I will do you a favor, Miss Manalo! Next time use your head! May mga utilities personnel ang kompanyang ito. Sila ang una mong tatawagin hindi ang may-ari ng kompanya. Maliwanag ba?” Hindi na ako nito pinagsalita at dere-derechong lumabas ng pinto. Padabog ang pagkakasara nito at napapikit ako habang nakayuko sa ingay na naidulot ng pagdadabog nito. “Welcome to hell, self.” Banggit ko nang makalabas ito ng tuluyan. Tumulong nga may kasama namang insulto. Pero at least kahit papaano ay may kaunting konsensiya rin ito kahit masakit magsalita. Nagsimula na akong magtimpla ng kape at nang matapos ay agad kong dinala sa office ni Sir Phillip. Kumatok ako muli at pumasok sa loob. Hindi ako nito pinapansin at nakatutok lang sa laptop nito. Marahan kong ipinatong ang tasa ng kape sa table nito. “Here is your coffee, Mr. Peralta. I’ll just check your schedule for today.” Hindi na ito sumagot at nakatutok pa rin sa laptop. Para akong tanga na nagsasalita sa hangin. Sabagay, mas mabuti na rin 'yung ganito kesa naman magsasalita ito pero puro kasamaan lang ang lalabas sa bibig nito. Bumalik na ako sa table ko at nagpapasalamat na kumalma na si Mr. Ermitanyo kong Boss. Binuksan ko ang laptop para i-check ang mga schedules nito for today. Wala naman siyang schedule na meeting here and outside the building. Biglang tumunog ang intercom at agad kong sinagot. “Miss Manalo, come inside my office!” Galit na sabi ni Sir Phillip na agad ibinaba ang linya. Heto na naman. Napabuntong hininga na naman ako, wala pang isang oras ang nakakalipas nang makapasok ako ay pakiramdam ko ubos na ang lakas ko sa pakikisama sa among matandang ermitanyo. “Replace my coffee. Masyadong matamis. Pagtitimpla lang ng kape hindi mo magawa ng tama!” singhal ni Sir Phillip. Sinunod ko naman ang sinabi ni James kung gaano karami ang kape at asukal na ilalagay. Hindi ko maintindihan sa lalaking ito, mukhang nang-iinis lang yata. Hindi na ako nagreklamo at kinuha ko ang tasa. Bumalik ako sa pantry. Nagtimpla muli ako ng panibago, this time ay binawasan ko ang asukal. Dinala ko muli sa table ni Sir Phillip ang bagong timplang kape at ipinatong muli sa table nito. Nang hindi na ito nagsalita ay iniwan ko muli ito at bumalik sa table ko. Inayos ko muna ang mga files na nasa mesa ko. Hindi pa ako tapos mag-ayos nang bigla na naman tumunog ang intercom at sinagot ko agad. “Miss Manalo, come inside again!” Kagaya kanina ay bigla na lang uli nito ibinaba ang phone. Agad muli akong pumasok sa loob ng office ni Sir Phillip. “Replace my coffee again, kulang sa tamis!” galit na wika nito habang nakatutok sa laptop nito at nagta-type. Tinaasan ko ito ng kilay dahil hindi naman ito nakatingin sa akin. Napabuntong hininga ako bago ko muling kinuha ang tasa ng kape. For the second time around ay nagtimpla ako ng kape. Dinagdagan ko naman ng kaunting asukal muli. Sana naman huling trial ko na ito. Kape pa lang ang pinag-uutos nito pero maabutan yata ako ng lunch para ma-perfect ang tamang timpla. Bumalik muli ako sa loob ng office ni Sir Phillip at nilagay ang kape sa table nito. “Your coffee, Mr. Peralta.” sabi ko dito sabay talikod na. Abala pa rin ito sa laptop nito. Bumalik ako sa table ko at itinuloy ang pag aayos ng files ng bigla na namang tumunog ang intercom. “Come inside!” sabi ni Sir Phillip. “Dagdagan mo uli ng konting asukal." utos nito pagkapasok ko. "Kape pa lang ang pinapatrabaho ko hindi mo na magawa ng tama. Paano pa kaya kapag clerical works na!” Yumuko lang ako at kinuyom ko ang mga palad ko. Naiinis na talaga ako. Kinuha ko muli ang tasa ng kape at bumalik sa pantry. “Lord, bigyan mo po ako ng mahabang pasensiya, please,” wika ko habang kinukuha ang asukal at kape at nilagay sa tray. Nilagyan ko ng mainit na tubig ang tasa at inilagay rin sa tray. Bitbit ang tray ay pumasok ako sa opisina ni Sir Phillip. Hindi ito lumilingon sa akin at nakatutok sa laptop at meron na tina-type. “Here is your coffee, sir,” wika ko. Tumingin si Sir Phillip sa dala ko at kumunot ang noo nang makita ang dala kong tasa na hindi pa timplado ng kape. “What the hell, Miss Manalo! Ako pa ba ang magtitimpla ng kape ko?” sabi nito. “Hindi ko po kasi makuha ang panglasa niyo. Baka sakaling kapag ikaw po ang nagtimpla, Sir, makuha mo agad.” Mahinang sambit ko, sapat na para marinig nito. “D*mn! Hindi kita binabayaran para utusan lang ako!” Napapikit ako habang nakayuko. Hindi ko na kasi alam kung paano i-please ang amo ko. Napahawak ako sa puso ko, ayokong ma-stress. Inangat ko ang mukha ko at nakita kong napatigil si Sir Phillip sa pagsesermon. “Get out!” Sabay sigaw nito sa akin. Agad akong lumabas ng opisina nito at umupo agad sa table ko. Halos maiyak ako dahil nahihirapan talaga sa mood ng amo ko. Kinalma ko muna ang sarili ko at bumalik sa trabaho. Halos magtatanghalian na at hindi na ako inabala ni Sir Phillip. Dalawang beses lang ito lumabas ng kwarto para mag CR. At nagtama ang paningin namin... as usual, bakas ang galit nito sa akin. Hindi pa rin siguro ito nakaka-move on sa ginawa ko. Hindi ko naman alam kung nagtimpla na lang ba ito ng kape nito. Dumating na ang tanghalian pero hindi ko alam kung kakain ba si Sir Phillip. Minabuti kong tumawag na lang sa intercom para tanungin ito kung mag-oorder ba ako. Nag utos ito ng oorderin na pagkain. Mga thirty minutes bago dunmating ang tanghalian at inilagay ko ang pagkain ni Sir sa pantry. Tumawag ako sa intercom para sabihin na dumating na ang pagkain. Hindi ko na ito hinintay pa na lumabas ng kwarto dahil gutom na talaga ako. Bumaba ako sa canteen na pang empleyado at doon kumain, ayoko muna kumain sa pantry. Nakasabay ko pa sila Ma’am Megan at Maya, pati na rin si James ay nasa canteen. Kahit paano ay naging masaya ako sa kwentuhan namin. Kinumusta nila ako at sinabi ko ang karanasan ko. “Grabe si Sir Phil, pinahihirapan ka, Amber. Hindi man lang nadala sa ganda mo.” sabi ni Maya. “Ewan ko ba diyan kay Sir Phil, bulag na yata. Hindi nakikita ang karisma ni Amber. Nadadala siya ng galit niya.” wika ni James kay Maya. “Malay mo, Amber, maulit ang nakaraan, ma-inlove muli si Sir Phil sa secretary, at ikaw ‘yun!” tukso ni Ma’am Megan, tinawanan ko lang sila. “Hindi siya ang tipo kong lalaki.” banggit ko sa kanila para matigil na ang mga ito. “Oo nga Ma’am Megan, ang layo ng agwat ng edad nila. Pwede na nga silang mag-tito eh.” singit naman ni James. “Alam niyo i-make over niyo lang yan si Sir Phil. Sigurado habulin ng babae 'yan. Napaka-gwapo raw n'yan dati eh. Depressed version lang siya ngayon. Sigurado bagay sila ni Amber 'pag nangyari iyon. Age is just a number.” wika naman ni Maya. Nakikinig na lang ako sa usapan ng tatlo. Naalala ko ang picture ni Sir Phillip nang hindi pa ito bigo sa pag-ibig. Tama naman sila na gwapo talaga ito. Bumalik na ako sa table ko matapos kumain at nagsimula muli magtrabaho. Lumipas ang ilang oras at may panaka-nakang utos sa akin si Sir Phillip. Hindi pa rin nawala ang pang-bulyaw nito sa akin sa nakalipas na oras. Hanggang sa wakas ay uwian na. “Congratulations self, you survived the day 1.” masayang sabi ko sa isip ko. Pinauna ko munang umuwi si Sir Phillip bago ako nagligpit ng gamit bago umuwi. Ni hindi man lang ito nagpaalam sa akin nang lumabas ng opisina nito. Para akong hangin dito. - - - PATULOG na ako matapos ang parang napakahabang araw na ito ng biglang mag-ring ang cellphone na na-turn over sa akin ni James para iyon sa babaeng call girl ni Sir Phillip. Nagdalawang isip pa ako kung titingnan ko pa ba kung sino ang tumatawag. Sa huli ay kinuha ko ang cellphone. Sir Phillip calling… Bakit naman kung kailan patulog na ako ay tsaka ito tumawag, hindi pa ba tapos ang pahirap nito sa akin? “H-hello, Mr. Peralta?” sagot ko. “I need someone to warm my bed tonight...” sagot ng baritonong tinig ni Sir Phillip mula sa kabilang linya. Magsasalita pa lang ako ngunit pinatayan ako nito ng cellphone…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD