AMBER'S POV “Mang Domeng?” Agaw pansin ko sa driver ni Sir Phillip nang mamataan ko ito sa gilid ng kalsada. Naglalakad na ako papunta sa Peralta Building at narito na ako sa tapat ng office building. “Miss Amber, ikaw po pala.” Nagulat ang matanda pagkakita sa akin. “Ano pong ginagawa niyo dito sa gilid ng kalsada? Hindi niyo po ba ipinag-drive si Mr. Peralta?” takang tanong ko. “May nadaanan kasi kaming bata dito sa kalsada kanina. Bigla niya akong pinahinto. Naawa siya sa bata at dinala doon sa café.” Sabay turo ni Mang Domeng sa café na binibilhan ko ng breakfast dati kay Sir Phillip noong secretary pa ako ng binata. Sakto naman na lumabas na si Sir Phillip sa café na may kasamang bata. May dala silang paper bag binilhan siguro nito ng tinapay ang bata. Si Sir Phillip ay nakangi

