AMBER'S POV “Bakit naman siya nag sinungaling sa iyo, beshy?” Tanong ni Sam sa akin. Nandito kami ngayon sa isang fastfood at nagme-merienda ng paborito namin na fries at coke float. Nilibre ko si Samantha dahil nakasahod na ako sa wakas. Parang bula nga lang na dumaan sa kamay ko ang unang sahod sa dami ng utang namin ni Nanay Rebecca. Halos hindi ako makakain... hindi na rin ako mapakali dahil mamaya ay magkikita na kami ni Ken. Kagabi ay sobrang puyat ako at hindi nakatulog nang maayos. Kaninang tanghali ay ilang subo lang ang nakain ko. Dahil sa totoo lang hindi ako nag-e-expect na haharapin ako ni Ken kahit na nahuli ko ito ng dalawang beses akong sinundan. “Hindi ko alam, beshy. Nagalit talaga ako kahapon. Hindi lang niya ako iniwan... niloko pa niya ako.” Inis na turan ko kay Sa

