MAAGA PALANG AY NAKAABANG NA si John Rafael sa parking lot kay Sirius. Mapapansin din na sila Zack ay katulad rin niyang naroon kasama sila Dave at Tupas. Idagdag mo pa si Zeon na buhay na buhay ang ngiti sa kanyang labi.
Magkasunod na dumating ang sasakyan nila Megan at Charles. Ngunit ang Sirius na inaasahan nilang bababa sa sasakyan ni Charles ay wala. Napangisi ang dalawang lalaki na nakatingin sa mga disappointed na mukha ng mga naroon.
Dumating narin ang sport car ni Top at sa kanyang pagbaba ay sinalubong siya nila Megan at Charles.
"Goodmorning po! Si Sirius po sir!? " sabay na tanong ni Megan at Charles.
"Good morning! Nakatulog ba kayo!? " naisingit na tanong niya dahil sa napansin niya na ang mga mata nila ay kulang sa tulog.
Ngunit wala sa kanila ang sumagot.
"Tsk! She's coming. Mauna na ako. " nasabi nalang niya saka siya lumakad.
"Tol, bakit kay sir nyo hinahanap si baby girl!? " nagtatakang tanong ni Geon.
Bago pa man makasagot ang isa sa kanila ay isang magarang sasakyan ang pumarada sa kanilang harapan.
Ang pagbaba ng isang matipunong lalaki ay nakaagaw na agad sa kanila ng pansin. Umikot ito sa shotgun passenger at may inalalayan itong bumaba.
Kitang kita nila na si Sirius na siya ang babaeng bumaba at agad na nagsipaglapitan sila Charles.
"Thank you sa paghatid kuya Kurt! " pasasalamat ni Sirius.
"Sabi ko na sayo, wag mo na akong tawaging kuya babe! Tara ihatid na kita sa room mo. " malambing nitong wika.
"Irish! " si Charles na nakalapit na sa kanila.
"Si.... " si Megan na gayun rin.
"Baby girl.... " si Geon na sumunod rin.
Napatingin sa kanila si Kurt.
"Kuya, si Charles po. He is the one I'm talking about po earlier." pagpapakilala ni Sirius.
"Hi. Kurt Cannor man! Ikaw pala. Pag may kailangan si Sirius tol tawagan mo ko. I already have your number, I'll text you nalang si you got mine. " tugon nito at tumango na lamang si Charles.
"Si Megan Ortigas naman po, my friendly neighbors and Geon po my close friend too. "
"I see. Nice meeting you guys! "
"So, Tara na, hatid na kita!? "
"Hindi na po kuya. Nandito narin naman po mga classmate ko " pagtanggi ni Sirius.
"Sirius/ baby girl " sabay na tawag ng iba.
"Owwww!!!! f**k!!! Di nga nagbibiro si kuya!!! " bulalas ni Kurt sa sarili dahil naramdaman niya ang sama ng tingin ng mga ito sa kanya.
"My friends too po. Zack, Dave and Tupas. - guys he is Kurt Cannor Green po." muli niyang pagpapakilala.
"Hi! You have lot of friends babe, whoaah!!! " nasabi nalang niya.
"So... I insist. Ihahatid na kita. Kaya nga inagaw kita kay kuya diba dahil gusto talaga kitang ihatid BABE! " may kalakasan niyang sagot kaya ang mga nakarinig ay mas lalong sumama ang tingin sa kanya.
"Salamat po, but tita said na hindi ka pwedeng malate po dahil may conference meeting ka pa pong pupuntahan. I'll be fine with them. " nakangiti niyang pagtanggi.
"s**t! I almost forgot! Thank you for reminding me. May be see you tonight nalang babe!? Ako na magsusundo sayo mamaya!? "
"Huwag na po. Kay sir Top na po ako sasabay. Salamat. Mag-ingat po kayo!"
"Fine. I'll go ahead. I'm gonna miss you! Bye babe! " sabay halik na nito sa noo at saglit na niyakap.
"Be a good girl ok! "
"Opo! "
At agad na siyang sumakay sa kotse nito.
"Baby girl magkaano-ano kayo? " - si Geon ang nagtanong na may himig ng inis at ang ilan ay naghihintay rin ng kasagutan sa mga hindi nakakakilala.
"Friends. He is the youngest brother of sir Top din po. Kurt Cannor Green, the next heir of this University po. "
"Ahhh sya ba yun!!!? Bakit kayo magkasama!? At bakit babe!? "
"I don't know.... He just wanted to call me that name. Magkasama because he want na siya ang maghatid sakin. "
"Sirius...." tawag ni John Rafael na nakalapit sa kanya at kinuha ang bag nito.
Mapapansin na titig na titig sa kanya si Sirius at lumungkot ang mga mata nito ng makita ang binata.
"Can I talk to you Kuya John for a while please!?"
Sa narinig ay kinabahan si Charles.
JOHN RAFAEL POV
Sinadya kong maging maaga ngayon kahit mamaya pang eleven ang klase ko para kay Sirius. Hindi ko rin alintana na may isang grupo rin na naghihintay sa kanyang pagdating. Kilala ko ang isa sa kanila at maganda pa ata ang gising nito dahil sa ngiti nito.
Nakita ko na ang sasakyan nilang nagpark ngunit nagtataka akong walang Sirius na bumaba.
Kasunod nito ang sasakyan ni Top na kung saan ay nilapitan ito ng tatlo na malapit kay Sirius. Nakakapagtaka lamang na hinahanap ng mga ito ang babaeng inaabangan ko sa kanya. At maya maya pa nga ay isang Bugatti Chiron ang nagpark malapit sa kotse ni Top.
Nakakagulat na makita ko si Kurt Cannor dito sa university gayung sa UP ito pumapasok. At mas lalong nakakagulat na bumaba sa kanyang kotse si Sirius.
Nakaramdam ako ng inis. Nakita ko pang sumunod na lumapit ang ilan sa mga yun pero ako ay hindi ko magawa. Nanatili ako sa kinatatayuan ko at ng makita kong hinalikan ni Kurt si Sirius sa noo at niyakap ay mas lalong tumindi ang inis ko.
Ako na halos pagbawalan ng mga classmate ni Sirius na gawin yun ay malaya namang nagawa yun ni Kurt!
Huminga ako ng malalim bago ako lumapit. Kinuha ko agad ang kanyang bag matapos ko itong tawagin. Ngunit may napansin ako sa kanyang mata ng magkatitigan kami.
"Can I talk to you Kuya John for a while please!?"
Sa sinabi niya ay bigla akong kinabahan.
Narito kami ngayon sa canteen ng junior high. Si Charles ay hindi gaanong malapit samin kasama nung Megan at Geon at isama mo pa ang isang di ko kilala.
"I saw you and ate Savanna po. She is crying yesterday because of me kuya diba?"
Nagulat ako sa kanyang sinabi at ilang beses akong napalunok ng laway ng dahil dun. Saka ko napansin lumuluha na ito at hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko.
"I don't want someone crying kuya. I don't want her crying... because of me... My heart is aching po when somebody crying... "
Agad kong kinuha ang panyo ko at pinunasan ko ang kanyang pisnge. Ngunit wala paring lumalabas na salita sa bibig ko dahil hindi ko talaga alam kung ano ang isasagot ko.
Bumibigat ang pakiramdam ko ngayon. Yes. She is totally innocent.
"I don't know what to say Sirius..."
Totoo, hindi ko alam kong papaano ko maipapaliwanag sa kanya ang lahat. Napakainosente niya at kung ipapaliwanag ko ba ay maiintindihan ba niya!?