OLIVE POV Pinuntahan ko si Sirius sa kanyang kuwarto upang magpaalam. Bibili kasi ako ng kanyang gamot dahil sa hindi ko alam kung bakit nawawala nanaman ang kanyang mga ineresitang gamot sa cabinet na pinaglalagyan ko. Kukuha sana ako para sa iinumin nya ngayon at nakakapagtaka talagang laging nawawala. Nagkataon pang tumawag sakin si Melody at hindi raw makakapunta si Megan ngayong araw dahil sa nagkasakit ito. Ayaw naman ni Megan na mahawaan si Sirius sa trangkaso nya. Marahil ay napagod dahil sa mahigit dalawang oras din kasi ang byahe mula dito hanggang sa subdivision nila. Kumatok muna ako sa kanyang kuwarto bago ako pumasok. Nadatnan ko itong tulala at malayo nanaman ang tingin. Nasa labas ng beranda ang kanyang mata at malamlam. Umiyak nanaman ito at paniguradong nagising

